Chapter 61

353K 8.8K 1.3K
                                    

Chapter 61

An Escapade

Frans Abigail's POV

"Sige, Zimmer. Thank you!"

Biglang tumawag si Zimmer sa'kin habang naghahanap kami ng hotel ni Calix.

Ang sabi niya may kakilala siya na may-ari ng isang hotel dito sa Boracay. Pinareserve niya na raw kami, kailangan na lang magbayad pag dating doon.

Buti na lang! Mahirap din kasi mag ikot ikot pa para maghanap ng matutuluyan.

Sa Station One daw iyong hotel sabi ni Zimmer. Kaya sumakay kami ni Calix ng tricycle para makarating doon.

Pagdating namin, kaunting lakad lang at nakita na rin namin agad ang isla.

Ngayon ay naka apak na ako sa white sand! Waaah! Sobrang nakaka excite talaga.

"Wow!" sabay naming sabi ni Calix.

Ang tagal na talaga noong huling nag punta ako rito. Ngayon tuloy ay parang first time ko!

Hindi nga lang masyadong maaninag ang dagat kasi madilim dilim na din. 7:00 pm na.

"Sayang, madilim na. 'Di bali bukas na lang tayo mag swimming." sabi naman ni Cal.

Tumango tango ako.

"Mag food trip na lang tayo ngayong gabi." sabi ko sakanya.

Habang nag lalakad kami papunta sa hotel ay ang dami naming nadaanang iba't ibang resto at bars!

Dahil gabi na, sobrang pump up na rin ng mga tugtog at mga ilaw. Mayroon pa akong natatanaw na fire dancers mula sa malayo.

Nakaka-excite talaga!

Nang makarating na kami sa hotel na sinasabi ni Zimmer, agad kaming iginaya ng mga tauhan sa loob.

"Reservation from Zimmer Fuentabella?" tanong sa amin nung Receptionist.

"Yes." tugon ni Calix doon.

"Sir, Mr. Fuentabella reserved two rooms for you. But unfortunately isang room na lang po ang available. Is it okay?"

Kumunot naman agad ang aking noo sa sinabi ng Receptionist.

"Ilang bed ang meron doon sa kwarto?" tanong ni Cal.

"Dalawa po, Sir." sagot nito.

Nagtinginan kami ni Calix. Hindi na bali, pwede na 'yun! Two beds naman, eh.

Pagpasok namin doon sa kwarto ay nagulat kami sa laki nun. Pang apatan yata ito?

"Ito po ba talaga 'yung reserved room?" tanong ko roon sa tumulong sa'ming staff na mag akyat ng gamit.

"Yes po, Madam. Ito po." sagot naman nito.

Tumango na lamang ako roon at nagpasalamat sa pagtulong niya sa amin ni Cal.

"Ang ganda dito, Cal." sabi ko.

"Okay lang." tugon niya kaya naman nagtaka agad ako.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon