Chapter 42

306K 8.5K 876
                                    

Chapter 42

Without you

Biglang umulan pero buti na lang at nakasakay na ako sa taxi.

Nakakainis pa dahil sobra ang traffic. Parang hindi kami umuusad.

It was half way through ng nag bukas si Manong driver ng radyo, na sana hindi na lang niya ginawa.

I could hardly believe it
When I heard the news today
I had to come and get it straight from you
They said you were leavin'
Someone's swept your heart away
From the look upon your face, I see it's true..

Naka tingin lang ako sa malayo at patagong pinupunasan ang luhang kakabagsak lang sa mata ko.

So tell me all about it, tell me 'bout the
plans you're makin'
Then tell me one thing more before I go.

Sabi ko na nga ba, kaya ayokong makining sa kahit na anong kanta. Dahil pakiramdam ko, para sakin yun lahat.

Tell me how am I supposed to live without you
Now that I've been lovin' you so long
How am I supposed to live without you
How am I supposed to carry on
When all that I've been livin' for is gone..

Every sentence in the song cuts deep through me. Ang sakit. Ang sakit sakit nanaman.

Didn't come here for cryin'
Didn't come here to break down
It's just a dream of mine is coming to an end..

Hindi ko na kaya pa.

"Manong, bababa na po ako. Ito po yung bayad." Sabi ko tapos ay inabot ang bayad sakanya.

"Teka Ma'am, wala pa po tayo sa.." Yun na lang ang narining ko. Lumabas na kasi ako sa taxi at agad na nag tatakbo.

Ang lakas ng ulan. Bahala na.

Tumakbo lang ako ng tumakbo. Wala na akong pakialam kahit pa basang basa na ako ng ulan.

When I've reached his house, nagdoor bell ako ng ilang beses. My heart trampled nang walang lumalabas doon sa bahay.

Uuwi na lang siguro ako...

"Abigail!" I've alrealdy took ten steps away ng marinig ko yung boses na tumawag sa pangalan ko.

Agad akong humarap. Nakita ko siyang tumatakbo palapit sakin.

"Abigail." Sabi ulit nito.

"Calix." I said through my tears and hugged him instantly. In a blink of an eye, I felt safe.. again.

Nung makarating kami sa bahay nila, agad siyang kumuha ng tuwalya dahil pareho kaming basang basa.

Inabutan din niya ako ng kape tapos umupo siya sa tabi ko.

"Abigail, what happened?" Calix asked. Hindi ko alam bakit hindi ako makasagot. Tingin lang ang nagawa ko sakanya.

Tumayo siya sa pag kakaupo at bahagyang lumuhod sa harap ko.

"What happened? Please, tell me." He pleaded. Wala na akong nagawa kung hindi ikwento ang lahat sakanya.

I can see that he's sad for me, and at the same time he's furious about it.

"Its kinda fucked up isn't it? How all of sudden someone wakes up and decides to never talk to you again. No reasons, no explanations and no words said. They just leave you hanging like you don't meant anything at all." Saad ko pa dito.

Pinunasan niya lang ang mga luha ko gamit ang mga kamay niya tapos ay tumayo ito at yinakap ako.

Kilala ko si Calix. He wanted me to know that he's here for me. Kaya naman yinakap ko din siya pabalik.

Sabi niya doon na daw ako mag palipas ng gabi. Yun din naman ang gusto ko dahil ayoko talagang umuwi ng bahay.

"Tawagin mo lang ako pag may kailangan ka, okay?" Sabi niya. Tumango naman ako.

Pumasok na ako sa guest room at agad na nag punta sa kama. Humiga ako at yinakap ang tuhod ko.

Kung nauubos lang ang luha, malamang wala na akong mailalabas ngayon. Pero hindi eh.

I stayed that for a while. Nakaramdam ako ng uhaw kaya naman napag desisyunan kong kumuha ng tubig.

Bumaba ako ng makita ko si Calix na sinusuntok yung pader.

"Anong ginagawa mo?!" I worriedly asked. Hinawakan ko din yung isa niyang kamay pag pigil sa muli niyang pag suntok.

"Calix." Pag tawag ko dito.

"Abigail, naiinis ako. Napipikon ako. Nagagalit ako." He said.

"Cal.."

"Alam mo bang nag usap kami? Sabi niya sakin hinding hindi ka niya sasaktan. Pero ginawa niya. Sinaktan ka niya!"

Wala akong nasabi kung hindi ang makinig lang dito. Hindi ko alam na nag usap sila ni Apxfel.

"Naiinis ako sa sarili ko dahil pinag katiwala kita sakanya. Naiinis ako kase naniwala akong hindi ka sasaktan nung gagong yon!"

Hinawakan ni Calix ang mukha ko.

"Ayokong umiiyak ka. Ayokong nasasaktan ka. Dahil nasasaktan din ako."

"Alam mo Cal, ayoko na ding umiyak. Ayoko na ding masaktan. Pero kasi hindi ko mapigilan. Ang sakit sakit kasi. Parang mababaliw nga ako sa sakit eh. But I can't do anything about it, because all I can do is to cope with the pain. Mahal ko siya, Calix. Mahal na mahal. Hindi din ako makapaniwala na nangyayari 'to. Araw araw kong hinihiling na sana bangungot lang ang lahat ng ito pero, araw araw din akong nabibigo. Kasi hindi eh, kasi totoo 'tong lahat. Na wala na siya. Na iniwan niya na ako."

Calix hugged me and there I was.. crying on his shoulder.

Bumitaw siya sa yakap at agad na pinunasan ang mga luha ko.

"I'm here for you. I'm always here for you, Abigail. Po-protektahan kita. Kung pwede lang suntukin si Christan kung asan man siya ngayon gagawin ko."

Hindi ko alam pero out of nowhere, natawa ako.

"Bakit ka natawa? Seryoso kaya ako." Sabi ni Calix.

"Naalala ko kasi yung nangyari dati. Yung pinag susuntok mo yung hagdan kasi natapilok ako at umiyak. Tapos si Tita, pinagalitan ka kasi para ka daw tanga." Saad ko, habang natatawa pa din.

"Hindi ko kasi alam dati na yung hagdan pala talaga yung kawawa nun hindi ikaw." Sabi niya na nag pa tawa pa sakin.

"Abigail, hindi ko kayang alisin yang sakit na nararamdaman mo.. All I can do is to be with you through the pain. I promise that I will be with you through it. And I will help you to get through it."

I looked at him and tried to smile once more.

"Thank you, best friend."

Destined with the Bad BoyWhere stories live. Discover now