Chapter 8

637K 17.7K 3K
                                    

Chapter 8

Game Over

Another morning starting out real quick. When I checked my phone, there's a text message.

From: APXFEL POGI

Di ako makakapasok ngayon okay. Sige ingat ka.

You read it right. 'APXFEL POGI'. Jusko patawarin!

Siya ang nagpalit niyan! Bakit daw kasi Christan Kumag 'yung pangalan niya sa phone ko. Pinagtalunan pa nga namin iyan! Ayaw ko rin kasing palitan. Aba syempre tignan mo naman iyong pinalit niya!

Pagpinalitan ko raw iyan ay pagsisisihan ko. Patawa talaga. Kaya ayan, pagbigyan.

Nag reply naman din agad ako sa text niya. Sabi ko 'Okay'. Hindi na ako nag tanong pa kung bakit hindi siya makakapasok ngayon. Para kasing masyado na akong nakiki-usyoso kapag ganoon.

Ano kaya ang inihanda sa akin ni Michelle sa araw na ito? Isinawalang bahala ko na lamang iyon at inisip ang mga lessons namin habang on the way sa school.

Medyo na i-stress din ako sa lessons namin ngayon, medyo nagiging complicated na ang mga subjects.

Nang mag lunch time na, nagpunta muna ako sa rest room. Sabi ko kay Paui ay mauna na siya sa Canteen.

Lalabas na sana ako ng cubicle ng biglang,  "What the hell?!!" sigaw ko.

May nagtapon sa akin ng... ano ito?!

I get out of the cubicle para makita kung sino iyon ngunit wala na. Yabag na lamang ng pagtakbo ang narinig ko. Kainis!

Hindi ko naman mahahabol kung sino man 'yung mga iyon. Baka makita pa ako ng ibang students na ganito. Nakakahiya. Argh!

I smelled my hair and looked at my uniform. Crap! It's an orange juice!

Take note, isang tabo yata! Talaga naman! Ang lagkit lagkit ko! May kulay orange pa ang uniform ko.

Seriously?!

This is another cliche! 'Yung pupunta ka sa rest room tapos at tatapunan ka ng kung ano. I've seen it many times on tv!

Buti na lang ay girl scout ako. May wipes, alcohol and face towel ako sa aking bag. Habang pinupunasan ko ang sarili ko, may mga babae na pumasok sa cr.

Sa pagkakatanda ko ay sila ang mga kaibigan ni Michelle.

"Omg! You look so wet."

"Yan na ba uso? Wet look?"

"Gosh! Poor you. Why are you so basa?"

Sunod sunod nilang sabi tapos ay nag tawanan pa sila. Very funny, you three witches!

I just gave them a smile... And then I walked out.

Wala akong ganang makipagtalo pa sa mga 'yun lalo na at para akong naligo ng orange juice!

Bigla ko namang nakasalubong si Paui.

"Frans, what happened?! Okay ka lang?" tanong niya.

Hindi ko siya masagot dahil masyado akong pre-occuppied sa basa kong damit.

"Tara magpalit ka na ng damit." anito.

Pumunta kami sa ibang rest room at doon na lamang ako nagpalit. Ang lagkit talaga!

Destined with the Bad BoyWhere stories live. Discover now