Chapter 48

326K 9K 1.9K
                                    

Chapter 48

That Feeling

"..Nothing special."

Pagkatapos sabihin iyon ni Apxfel ay parang bigla na lang may tumusok na tinik sa dibdib ko. Ganoon ba 'yun? Iyon lang ba ang tingin niya sa akin?

I immediately grab my things in the table. "I... I need to go. Tapusin na lang natin 'to bukas." sabi ko at agad na tumakbo palabas ng library.

Nararamdaman ko na rin kasing pahulog na ang mga luha sa mata ko. Hindi pwede 'yun.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko.

"Wag kang umiyak." I told myself.

Nagpunta na rin agad ako sa parking lot at agad hinanap ang kotse ni Calix. Pagkakita ko roon ay agad na din akong sumakay. Sa loob na kasi siya nagaantay.

"What happened?" alalang tanong nito.

Umiling lamang ako.

"Gusto ko nang umuwi, Cal." sabi ko.

Madilim na rin nang makauwi kami ni Calix, kaya naman napagdesisyunan namin na kumain na rin ng dinner.

"Buti na lang ay may luto na rin si Yaya. Gutom na talaga ako, e." saad ni Calix.

Muli akong tumango.

"Are you okay?" he asked.

"Oo naman." sagot ko rito.

Tumayo ako para kumuha ng tubig. Habang nagsasalin ako sa baso, ewan ko pero nalagi nanaman sa isip ko 'yung mga nangyari sa amin ni Apxfel kanina.

"Abigail. Abigail!"

Nabalik ako sa ulirat ko sa malakas na pag tawag ni Calix sa akin. Saka ko lang napansin na umaapaw na pala ang tubig sa baso ko.

"Sorry." sabi ko sabay na pinunasan 'yung natapon na tubig.

"Wala ka sa sarili mo. Okay ka lang ba talaga?"

"Nanibago lang siguro ako kanina nung kasama ko si Apxfel... napaisip lang din ako. Bukas kasi, mag kikita ulit kami sa library." sagot ko kay Calix.

"Gusto mo samahan na kita bukas?"

"Okay lang ako, Cal." giit ko.

Tumayo siya sa upuan niya at lumapit siya sa akin. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yinakap.

"Nandito lang ako. Okay? Handa kang resbakan ng best friend mo."

He said and all I could do was nod and smile. Sobrang bait talaga ni Calix. Ang swerte lang ng magiging girlfriend niya.

-

Everything is going well today. Sa totoo lang ay pang huling subject na namin ngayon. It was going smooth... not until our Professor asked a particular question.

"What is love?" tanong nito sa klase.

Agad napuno ng ingay ang buong classroom.

Malamang ay gising na gising ang diwa ng aking mga ka blockamtes sa tanong ng aming guro. Love daw, e.

Biglang nag taas ng kamay ang isa sa mga ka blockmate ko.

"Love is blind." sagot nito na ikinatawa naman ng karamihan.

"Well... Class, totoo yun ha. Love is blind. It sees, but it doesn't mind." saad ni Ma'am na nag panganga sa iba. "Sino pa?"

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon