Chapter 73

321K 8.4K 1.4K
                                    

Chapter 73

A blast from the past

I know this kid! Hindi ako pwedeng mag ka mali.

Bigla namang dumating si Apxfel.

"What's wrong?" he asked. Nakita niya yata 'yung ekspresyon ng mukha ko.

I was shaking. And my heart is pounding really really fast.

"Sino ito?" Tanong ko tapos ay hinarap ko yung frame sa kanya.

Napatawa siya ng bahagya.

"Ako."

Nabitawan ko agad yung picture frame nung marinig ko yung sagot niya.

"Ako." Paulit ulit pang nag laro sa isipan ko.

Napahawak naman ako sa dibdib kong sobrang bilis ng kabog.

"Ikaw?" Mahinang tanong ko sabay ang pag tulo ng luha ko.

How is this even possible?

"Ikaw si Chap Chap?" Tanong ko pa ulit.

Bahagya naman siyang nagulat.

"Pa-paano mo nalaman 'yung nickname ko no'ng bata ako? Kinwento ni Mama?"

Umiling ako at patuloy ng naiyak.

Siya na nga talaga ito.

Sudden realizations are getting me.. since the first day I met him at the park. And the day I almost hit him with my car.

Lagi kong sinasabi na pamilyar si Apxfel sa'kin, pero ikini-kibit balikat ko lang iyon dahil baka mali ako. Baka akala ko lang na kilala ko na siya dati pa, pero hindi naman talaga.

"Bakit? What is it, Abigail?"

"Nung bata ako, mahilig akong pumunta ng park doon sa may subdivision namin. Mayroon kasing swing sa park na 'yon kaya paborito kong mag laro doon.. Isang araw noong pauwi na ako, may naka bangga akong bata. Ang sabi niya pa sa'kin 'Bulag ka ba?'. Ang sabi ko naman 'Baka ikaw!'. Tapos napansin ko na umiiyak pala siya kaya tinanong ko kung anong problema niya. Ang sagot niya sa'kin, nahimatay daw kasi yung Mama niya. Kaya imbis na umuwi ako, nakipag kwentuhan ako sa kanya doon sa park. I comforted him even though I don't really know how. Simula noon, lagi na kaming nag kikita doon sa park tuwing hapon. We've been really close to each other.. pero simula nung lumipat na ako ng bahay, wala na kaming naging contact pa sa isa't-isa."

Kwento ko sa kanya. Hindi ko maiwasang hindi maiyak habang nag ke-kwento.

I still remember it. All of it. Tanda ko pa nung isinulat ko iyon sa diary ko nung bata pa ako, dahil para sa'kin sobrang importante ng araw na nakikala ko si Chap Chap.

Napa nganga si Apxfel at hindi maka salita.

"Naaalala mo pa?" Tanong ko sa kanya.

My tears gradually falling down... as the same way as his.

"Ikaw? Ikaw si Bobbie?"

Hindi maka paniwalang tanong nito.

Tumango ako.

Agad siyang lumapit sa'kin at hinagkan ako ng sobrang higpit. Parang isang stuffed toy na ayaw niyang mawala at makuha pa ng iba.

Yumakap din ako sa kanya. At ganoon din kahigpit. Yung pinaka mahigpit na kaya ko.

I closed my eyes.

This is so surreal.. Like an old dream that just came true.

Lumabas kami doon sa may garden nila at nahiga sa may damuhan doon.

Destined with the Bad BoyWhere stories live. Discover now