Chapter 59

323K 8.7K 1.1K
                                    

Chapter 59

The Post Party

Umupo na lang muna ako at uminom ng juice. Lumapit naman si Calix sa akin.

"Are you okay?" he asked.

"Oo naman." sagot ko sa kanya.

"Nakipagpalit ako... Kaya 'yung partner ni Bobbie kanina, iyon na 'yung partner ni Zoey." sabi ni Calix.

Tumango lamang ako sakanya.

News paper dance ang sunod na laro.

"Sali tayo?" anyaya ni Calix.

Umiling lang ako sakanya.

"Pahinga lang muna ako, Cal." sabi ko.

Hindi naman ako napagod doon sa Apple Eating na 'yun. Nawalan lang talaga ako ng gana...

Hindi ko alam kung martyr ba ang tawag dito o ano, pero pinanuod ko pa 'yung dalawa.

And it cuts me deep through every fold of that freaking news paper.

It cuts me real deep.

Bawat pag titig ni Apxfel kay Bobbie... Bawat pag hawak ni Bobbie kay Apxfel.

Hindi ko mapaliwanag kung ano iyong nararamdaman ko.

Masyado ng maliit 'yung tupi nung newspaper. Lahat ng players ay nahihirapan na. Pag tingin ko kela Apxfel... bigla niyang binuhat si Bobbie.

Wala na.

Ito na 'yung part na hindi ko na kayang makita. Basta... Masakit na ng sobra.

"Cal, gusto ko ng umuwi. Sumama 'yung pakiramdam ko." baling ko kay Calix.

"Anong masakit sayo?" alalang tanong niya tapos ay hinawakan ang noo ko.

"Hindi ka naman mainit. Anong nararamdaman mo?" tanong pa niya.

"Hindi ko alam, Cal. Basta gusto ko ng umuwi."

Nagpaalam muna kami kela Paui at Zimmer bago umalis. Bumawi raw kami sa susunod kung hindi ay forever daw silang magtatampo. Hindi naman ako naniniwala... kasi nga walang forever!

Pagsakay namin sa kotse ni Calix, ayaw ko man pero nag breakdown na ako.

Bago pa si Calix makasakay sa driver sit, pinunasan ko na agad 'yung luha ko at tumingin sa bintana para hindi niya ako mahalata.

"It's okay, Abigail." aniya.

Wala talaga akong maitatago sa best friend ko.

Tumingin ako sa kanya.

"Sumama ang pakiramdam ko. Sumakit kasi 'to." sabi ko sabay turo sa bandang puso ko.

Calix looked at me sadly.

"Ang sabi ko, gusto kong maging masaya siya... pero ngayong nakikita kong masaya na siya, parang ayoko. Hindi ko gusto."

"Abigail..."

"Ang unfair ko 'no? Maybe because I realize that I will never be truly over him. I'm just convincing myself that I can." saad ko pa.

Calix hugged me.

I will get through this night. I will!

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon