Chapter 2

8.8K 346 55
                                    

Jade's POV

"Jade, hija halika nga dito sa tabi ko. Ang tagal tagal na kitang di nakikita. Bakit di mo ko binibisita?" sabi ni Ama pagkapasok ko sa bahay. Kakauwi ko lang galing sa rooftop at pagod na pagod na ako pero hindi ko naman kayang tanggihan ang aking Ama kaya't umupo ako sa tabi niya at hinalikan ito sa noo.

"Ama diba po nung isang araw pa ko nakabalik dito sa Pilipinas? Kaninang umaga nga lang diba nagkita po tayo habang kumakain ng almusal?"

"Ay oo nga pala. Pasensya na apo at malilimutin na ang Ama mo. Miss na miss lang kasi kita eh."

"Miss na miss din po kita Ama." Paglalambing ko dito at sumandal ako sa balikat niya at nagbuntong hininga.

"Mukhang malungkot ang apo ko ah. Ano problema mo, apo?"

"Wala naman po Ama, namiss ko lang po kayo at sila Mama at Dada. Pati narin po sila Ayah Gab at Dihya Paul pati mga kaibigan ko po. Matagal din po kasi akong nawala eh." pagdadahilan ko sakanya. Kahit na totoo namang namimiss ko sila, iba pa rin ang dahilan kung bakit ako nalulungkot ngayon.

"Ganun ba apo. Bakit di mo tawagan kaibigan mo para naman di ka na nalulungkot diyan."

"Ama kakahiwalay lang po namin ni Sally. Magkasama po kami kanina pa. Ibang araw nalang kami magkikita ulit at baka magkasawaan na kami sa mukha ng isa't isa." sabi ko naman na medyo natatawa.

"Sally? Sino si Sally? Hindi ko kilala yun. Si Althea, bakit hindi si Althea ang tawagan mo. Miss na miss ko na rin ang batang yun. Napakaganda at napaka bait pa. Tawagan mo nga apo at papuntahin dito, matagal ko na siyang di nakikita ar sigurado akong gusto ka rin nun makita." Natigilan ako sa sinabi ni Ama. Hindi ko alam kung bakit pero ako at si Althea lang ang lagi niyang naaalala. Siguro dahil lagi kong kinukwento at dinadala si Althea dito sa amin.

"Hindi ko na po alam kung anong number niya. Sige na po Ama, pasok na ko sa kwarto ko para magpahinga." Dali dali akong tumayo at pumunta ng kwarto ko dahil nagsisimula nanaman sumikip ang aking dibdib.

'Althea... Bakit ba kahit anong gawin ko hindi parin kita malimutan? Kahit ang sakit sakit na hindi parin ako napapagod na mahalin ka. Kahit na sinaktan mo ko sa dahilan na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam eh hindi parin makalimot ang puso ko.' Sabi ko sa aking sarili habang nakatulala sa aking kwarto.

And then I remembered... I opened my bag and took the notebook. With trembling hands, I opened it on the second page.

***************************************************
October 29, 2008

It's been weeks since my first encounter with Jade and since then hindi ko na siya ulit nakita pa. Kahit na lagi akong nasa coffee shop ni minsan hindi ko man lang nakita na nagpunta siya. Sabi ko sa sarili ko na sa susunod na magkita kami ay hindi na ako matatameme at mahihiya na kausapin siya. I'll get back to my old self na confident at pogi. Pero bakit nga ba ako umaasa na makita pa siya diba? At ano naman kung hindi ko siya makita? Saglit ko nga lang siya nakausap at ni hindi niya man lang nalaman pangalan ko. But still, kahit na pinipigilan ko ang sarili ko na hanapin siya, di ko parin mapigilan na tignan ang bawat taong pumapasok sa coffee shop at magbakasakaling si Jade ito.

Sembreak ko ngayon kaya naman naisipan kong mag jogging sa may park sa subdivision namin. Matagal tagal ko narin kasing napabayaan ang katawan ko dahil sa sobrang busy sa school kaya sinamantala ko ang free time ko. Nakadalawang ikot na ko sa park ng may makita akong pamilyar na mukha na nag-stretching sa ilalim ng puno. Kungsini-swerte nga naman. Napangiti ako at lumapit dito.

"Hi." sabi ko habang nakangiti. Lumingon ito at parang nagulat at naguluhan. 'Patay hindi na ata ako nito matandaan.'

"Oh, hi! I remember you! Ikaw yung nakatabi ko sa coffee shop, right?" Jade said excitedly.

"Yup, ako nga. Good thing naalala mo, kala ko hindi mo ko matandaan eh. Nahiya tuloy ako bigla sa pag lapit ko." Natatawa ko namang sabi.

"Of course not. How could I forget your pretty face? By the way, I'm Jade." She said while reaching out her hand. Natigilan ako sa sinabi niya. She told me I'm pretty. For a split second natameme nanaman ako, but I quickly regained my consciousness and reached out my hand.

"I'm Althea."  I smiled and tried to hide the fact na para akong nakuryente nung nagtama ang kamay namin. Napaka lambot ng kamay niya, halatang senyorita at hindi gumagawa ng mga gawaing bahay.

"Do you mind if I run with you?" Dagdag ko.

"Only if you can catch me." She started running while giggling so I followed her.

We ran together for 30 minutes. Walang nagsasalita sa amin dahil pareho kaming focused at hingal sa pagtakbo. Biglang nagsalita si Jade at nagsabing she needs a water break kaya umupo muna kami sa bench sa ilalim ng puno para mag pahinga.

"Dito ka nakatira?" She asked while wiping the sweat dripping down her face. Namumula siya sa sobrang init at di ko nanaman napigilan na hindi mapatitig sa kanya. Kahit pawis ang ganda parin niya.

"Oo, we just transfered here a few months ago. We live just a couple of blocks from here. Ikaw ba?"

"Yup, dito na ako nakatira since bata pa ako. That's our house." She pointed sa isang mansyon sa street sa tapat ng park. Matagal ko ng napapansin ang bahay na ito at namamangha sa laki at ganda, yun pala pati ang nakatira ay maganda din.

"Careful now. Don't go telling strangers where you live. For all you know baka kidnapper pala ako."

"You're no longer a stranger to me. Pati napakaganda mo naman atang kidnapper." Sabi niya ng natatawa. Ayan nanaman siya, sinasabihan nanaman akong maganda. Grabe siya.

"Baliw ka. Kung ganyan ba naman kaganda ang kikidnappin then I'd be very glad to be called a kidnapper." Lalo siyang namula at parang natigilan sa sinabi ko.

"So lagi ka bang tumatakbo dito?" Dagdag ko para di awkward.

"Hindi naman, usually kasi sa school ang training ko kaya minsan lang ako dito kahit na katapat lang ng bahay namin. Kaya lang sembreak kasi kaya wala kaming training."

"Sa school? So does that mean na varsity ka kung ganun?"

"Uhhh, yeah. Varsity player ako ng Track and Field team namin sa school kaya I'm running now so I won't get out of shape pag pasok." Nahihiyang sabi nito.

"Wow! Ang sipag mo na nga sa academics tapos pati sa sports masipag ka rin. Aren't you the overachiever?" I said teasing her.

"Haha. Hindi naman, I just want to make my parents proud. Ikaw, what do you do?"

"First year college ako sa U.P. Diliman. I'm taking up music." I told her as I tied my shoelaces.

"U.P. ka? Woah. That's where I'm planning to go after I graduate high school, and I've heard na sobrang competitive 'yang course mo. That's really amazing. I mean, you're amazing." Kinilig nanaman ako sa sinabi niya but then I noticed her taking her socks off. Medyo na-weirduhan ako but then I saw that her ankles are red and swollen.

"Jade! Ano nangyari sa paa mo? Di ka naman na-sprain nung tumatakbo tayo?" Pagaalala ko.

"Relax Althea. I had a sprain a few weeks ago, and my doctor told me na ipahinga ko lang daw. Kaya lang matigas ulo ko at pinipilit ko parin na itakbo 'to. Don't worry, it hurts pero nawawala din siya after a while. Napwersa lang siguro."

"Masakit naman pala bakit di ka nagsasabi kanina? Bakit pinipilit mo parin tumakbo?" I asked worriedly.

"I'm no quitter, Althea. A little pain won't stop me from reaching my goals. Over-achiever nga diba? Hahaha." She put on her socks and shoes and winked at me. Before I know it she's running again.

"Althea unahan tayo sa bahay namin!" She shouted so I ran and followed her again while laughing.

Nagulat ako na kinaya parin niya tumakbo kahit na namamaga ang paa niya at halatang medyo nahihirapan siya. She's indeed relentless. A firecracker.

And that is why I have to let you go.

Love,
Althea

Author's Note: I hope somebody out there is reading this. Haha! Say hi if you are! :)

Why I Have ToWhere stories live. Discover now