Chapter 3

8.2K 293 20
                                    

October 31, 2008

I was pacing back and forth thinking if this is a good idea or not. The tall black gate is making me feel little and the security guard who's eyeing me isn't helping me calm my nerves. I have no idea if I'm sweating like a pig because of the hot rays from the sun or from sheer nervousness.

"Miss, may kailangan po kayo?" The security guard asked.

This is it. No turning back. Napansin na siguro na kanina pa ko pababalik balik, it would be weird kung bigla akong aalis pa.

"Ah...Ehhh... Nandyan po ba si Jade?" I nervously replied.

"Opo miss. Ano po pangalan nila?"

"Althea."

"Sige po, dito po muna kayo sa may silong. Itatawag ko lang po sa loob bago ko kayo papasukin." The security guard went inside his station and picked up the phone.

Umupo ako sa isang monobloc sa labas ng station ng guard. I've been inside this mansion the other day after naming tumakbo ni Jade pero hindi ako kinakabahan noon dahil kasama ko naman siya. The last time I was here ay walang tao bukod sa mga tauhan nila Jade at kasambahay nila kaya't hindi ko rin nakilala ang pamilya niya. Nagpagawa lang ng sandwich at juice si Jade at kumain kami sa may garden nila, nagkuwentuhan at tawanan sandali at pagkatapos ay kinailangan ko narin umalis dahil may rehearsal nanaman ako. Ngayon ay ibang kaso dahil bukod sa ako lang ang kusang pumunta ay hindi rin alam ni Jade na nandito ako. I was supposed to call her kaya lang I forgot to take her number.

"Ma'am Althea, pasok na po kayo. Nasa poolside po sa likod si Ma'am Jade." Sabi ng guard at binuksan ang gate.

Tumuloy na ko sa loob at nadaanan ko ang garahe nilang punong puno ng luxury cars. Alam kong mayaman sila Jade pero hanggang ngayon ay nagugulat parin ako sa yaman nila. Ang pamilya ko naman ay may kaya rin, pero it's really nothing compared to Jade's. We have a couple of business establishments and since kaming dalawa lang naman ni Tatay ay marami siyang naiipon kaya kami nakabili ng bahay dito. Hindi ko rin naman kailangan maging scholar dahil kaya naman akong pag-aralin ni Tatay pero nagsikap parin ako, regalo ko na yun sakanya.

Nakarating na ko sa poolside at nakita ko si Jade na nakahiga sa ilalim ng araw habang nagbabasa. She's wearing a pair of white bikini at napansin ko nanaman ang balat niyang niyang napakakinis at namumula mula ng dahil sa init. Umiwas ako ng tingin sa katawan niya dahil ayoko naman itong titigan dahil nahihiya ako.

"Nagsa-sunbathing ka ba o nagaaral?" I suddenly blurted out upon realizing that she's reading textbook. Nagulat si Jade at lumingon sa akin.

"Althea! You're here!" She said excitedly and stood up to give me a half hug. I froze a little as her warm skin pressed against mine.

"Nag-aaral ka nanaman? Sembreak niyo diba? Hindi ka ba napapagod?" I asked while trying to act nonchalant about her hug.

"I guess naging habit ko na talaga mag-aral. Ang loser ba?" She asked shyly.

"Hindi naman pero you need to have fun sometimes. Buti nalang sakto ang dating ko! Here, look at this!" I gave her the flyer I was hiding in my pocket. Kahapon kasi habang naglalakad ako pauwi ay nakitang kong may flyer na nakadikit sa puno. Our village is having a Halloween party tonight and I thought it would be fun kasi nakasanayan ko ng mag celebrate ng Halloween. The first person I thought to invite was Jade. Isasama ko rin sana si Batchi kaya lang alam kong gabi ang shift niya ngayon sa trabaho kaya hindi rin ito makakapunta.

"Aren't we too old for Halloween parties, Althea?" She smirked.

"What? No! Nobody is too old for Halloween parties, and nobody is definitely too old for free candies. C'mon Jade, it'll be fun! Ikaw lang kilala ko dito sa village kaya please samahan mo na ko." Pagmamakaawa ko. Sa totoo lang kaya ko namang pumunta sa mga parties ng mag-isa, pero gusto ko lang talagang isama si Jade.

Why I Have ToOù les histoires vivent. Découvrez maintenant