Chapter 1: Paths crossed

24.8K 324 10
                                    

SPLASH MOUNTAIN 2009

SUMMER

           "Let's parte party!!!!! Woooohh!!!" 'Yan ang sabay sabay na umalingawngaw sa ere, dito sa nirentahang venue ng classmate kong si Shaxa. Despedida nya at 16th birthday na rin. Mag mamigrate na kasi sila sa Canada.

          After ng kainan at mini program na ginanap kanina ay pormal ng inanunsyo na puwede ng magswimming at uminom. Malaya ang lahat para sa gabing ito na magsaya. Graduating na kami sa June at nag uusap na ang ilan kung saang unibersidad magkokolehiyo.

          "Oh Jerie," bati ni Raine habang nilalabas niya ang pampaligo niya at isa isang kinalat sa kama.

         "Di ka ba magsu swim? Tayo na lang naiwan dito oh. Sumakit kasi tyan ko. Nagbawas muna ako." 
          "Hindi na, manonood na lang ako ng series na sinusubaybayan ko. Di ko kasi napanood kagabi." 

         "What?! Are you crazy?" sagot nya sabay inisa isa nyang sipatin ang mga dala nyang bathing suit.

          "Here," sabi niya at inabot sa akin ang isang black na two piece nya na may strike ng yellow lines. 

         "Oh anong gagawin ko rito?" salubong kilay kong tanong. 

           "Kakainin? Hay nako! Natural isusuot! Ano ba yan Jeorgia Laurice, kainis ka."
          "Hindi ako nagsusuot ng ganito ano ka ba.."
           "Try mo lang, trust me. For sure maraming magkakandarapa sa 'yo nyan."
          "Sus! di naman ako naghahangad ng ganu'n. You know I hate attention."
          "Basta, isuot mo ito.Ikaw lang hindi naka bathing suit no."

       Kinuha ko na rin dahil sobra siyang mapilit. Pumasok ako ng banyo.Pag suot ko ay umikot ikot ako sa salamin. Kahit ako ay namangha sa nakikita ko. Ako ba ito? I love what I am seeing kahit na hubad na ang pakiramdam ko. Huwag lang makita ng nanay ko at pihadong kukurutin ako sa singit. Paglabas ko ay natulala si Raine.Inantay nya pala ko sa labas.

         "OH...M...G...," may diin nyang comment. Umikot siya sa akin na parang iniisa isa lahat ng kurba sa katawan ko. "Grabe Jerie, I never thought you're this....gorgeous,sexy and...delectable," pailing iling niya pa. 

          "Grabe, delectable talaga? Pagkain ba tingin mo sa akin?"
          "Kung alam ko lang ganyan ang katawan mo, noon pa kita sinasali sa mga pageant sa school."
          "Sus, alam mo namang hindi ko forte yon, tama na ako sa backstage lang."
           "Oh sya sige na, labas na. Ako naman magbibihis."

          Matapos magbihis ni Raine ay nauna na siyang lumabas. Medyo naiilang pa rin ako sa suot ko pero lakasan na lang loob 'to. Inayos ko ang aking sarili. Lalabas na sana ako ng tumunog ang cellphone ko.

          "Hello Nay!" Pinilit kong panormalin ang boses ko. Di kaya nya nafeel na para na 'kong nakahubad sa ayos ko? Mother's instinct? 

          "Hello anak! kamusta birthday? Huwag kang palalasing dyan ha, mag ingat ka."
          "Ma naman...kakasabi nyo lang diba? Kanina? Unli ka ba Ma?"
          "Eh..inuulit ko lang naman. Kaya ako tumawag para ibalita sa 'yo na confirm na ang bakasyon ng tatay mo sa barko. Magkakasama tayo dyan sa Maynila sa graduation mo next year!"

         "Talaga Ma?!  Yey!!!!"
          "Oo, alam kong magtatampo ka kung di kami makakaluwas eh."
         "Talaga! Eh...Si LC kasama po ba?"
         "Ayun lang anak, hindi eh.
Alam mo namang bawal mapagod ang kapatid mo."
         "Ahhhm...okay lang. Kakagaling nga lang pala niya sa operasyon."
         "Huwag mo kaming alalahanin,anak. Yung pag aaral mo dyan isipin mo. Para sa ' yo yan para kung wala na kami na tatay mo...."
          "Maaaa....stop it. Sige na bye na, tawag na ko ng mga kaklase ko."
         "Okay sige, iloveyou anak."

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Where stories live. Discover now