Chapter 5: Ma Cherie

8.9K 228 1
                                    

MINDY'S POV:

       Naging busy ako sa mga event na sunud-sunod na raket ni Bamby. Naging confident lang ako na nandiyan lang si Blacklady, este Jerie. Namiss ko smile niya.

      Isang sabado ay sinorpresa ako ni Nnong Rigor sa apartment. Nagtimpla ako ng kape at bumili ng ensaymada sa kanto. Magtimpla lang alam ko eh, 3 in 1 pa.

         "So, how are you doin these past two weeks?" Simula niya. Niligid nya ang mata sa buong kusina. "Nice color, i love your taste, hija."
        "Thank you Nong, kamusta ang daddy?"
         "Ayos naman sila. Mapride pa rin ang mama mo, alam na anytime soon ay babalik ka rin sa kanila."
        "Well hindi ko pa masabi eh."

      Natapos kaming kumain at inaya ko siya sa salas. "Okay sana anak itong bahay, kaso...." Napakamot siya ng ulo.

        "Ang kalat mo!" Sabay kaming tumawa. "Sobra ka bang busy?"
       "Eh....lam niyo namang..hehe...May katam po ako. Si yaya, ayaw ibigay ng daddy sa akin."

        Inakbayan nya ako. "Hija, beinte otso ka na, yaya pa rin? Mag-asawa ka na kasi para may mag alaga sa yo. Si Jiggs ko, perfect kayo."

        "Haaay ....here we go again...."

       Tumayo uli si Ninong para magsindi ng sigarilyo. "Do you still smoke Mindy?"

        "Binabawasan..."

        Bumuga siya sa unang pagkakataon. "Hija, may ipapakiusap sana ako sa 'yo."

        "Anything po Nong, wag lang akong mamamatay kung obstacle yan."

       Hindi niya tinapos ang sigarilyo niya, binuksan ang pinto at initsa sa labas ang marlboro niya.

        "Nakausap ko kasi ang isang...mabuting kaibigan. Naaksidente ang pamangkin niya at medyo hirap lumakad."

       Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko mahulaan ang kinalaman ko sa kuwento niya. "Kailangan ng trabaho ng batang iyon at magsisimula na sa Lunes. Humingi siya ng isang linggo na driver at hanapan ko raw."

        "Then?"
        "Ikaw ang naisip ko hija. Ewan ko bakit ikaw ang naisip ko."
         "Ano ba yan Nong? Bagong salta? Hindi ba marunong pumara ng taxi at magsalita yun?"

        "Hija...nalaman ko ang background ng batang ito. Ayokong ibigay sa ibang tao ang kapakanan niya. May pagka lunatic."

        "Lunatic, grabe naman 'yan Nong, aswang ba yan? Papain niyo ba ako para lang bumalik ng bahay?"
        "Hija please...Nagcommit na ako sa kaibigan ko."
        "Hay..umiral na naman ang pagka generous niyo."
        "Is that a yes?"
        "Do I have a choice?"
        "Meron naman. Kung matitiis mo akong mapahiya?"

         "Okay,okay,okay!! Ano ba magiging role ko? Driver lang ha? Hatid sundo? Baka naman maging all around maid ako nyan at yaya?"

       "You know it wouldn't happen, dahil wala kang alam sa bahay,right?"
       "Okay fine I give up."

        Iniwan ni Ninong ang number ng taong ihahatid sundo ko. Ako na raw ang bahalang mag interview. Iniwan na niya ang vios sa garahe na gagamitin ko. Utang na loob ko kasi kay Ninong ang pagtakas ko sa Ilocos kaya I will just consider this a small repayment to him.

         Linggo ng gabi ng itext ko ang numero. Isang linggo lang ang usapan, umaga at hapon. Maisisingit ko naman sa sked ko.  To my very big surprise, si Blacklady pala ang babaeng yun.

      Rumehistro ang kuwento ni Ninong about her accident. Hindi ako nagpakilala agad sa kanya. Sa sobrang excitement ko ay nabalita ko kaagad kay Bamby.

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Where stories live. Discover now