Chapter 14: Enchant

6.3K 179 8
                                    

JERIE'S POV:

       BUMALIK si Mindy makalipas ang beinte minutos. Mukhang tense. Umupo siya sa tapat ko at hindi makatingin sa akin.

       "Now tell me Mindy what is this all about?" napahawak akong bigla sa pendant na suot ko.
       "First of all, I want to apologize way way years back."
        "Bakit? Ngayon lang tayo nagkita Mindy."
         "No....I have kissed you before."

        Walang taong nakakahalik pa sa akin maliban sa babaeng humalik sa akin noong fifteen years old ako.

         "Ikaw?!"
          "Yes."
         "Ow...."
         "Maaaring hindi na natin nakilala ang isa't isa. Pero for all you know, hinabol kita noon ng pasakay na kayo ng van pauwi para magpakilala"
        "Oo...nakita kong hinablot ka sa braso ng g-girlfriend mo."
        "She wasn't my girl."
        "Yeah...the ususal Fubu, I got it."
        "Let's forget about it. That time, nang makita ko ang suot mong kuwintas, parang hinatak ako noon palapit sa yo."
        "Yes, maybe because it's an heirloom, pag-aari niyo."

        "Oo, noong panahon na 'yun, isang linggo bago tayo magkrus ng landas, kinausap ako ng lola ko. Sa akin niya binigay ang magkapair na hikaw. Ang disenyo niyon ay unique at walang katulad."

         "Ano'ng history ng mga alahas? Ano'ng kinalaman ng tita Rosalie dito?"
        "By saying all these, without intention, kahit ayaw ko ay babalikan ko ang nakaran ko Jerie. Ang hikaw ay orihinal talaga na nasa kamay ng lola ko. The ring was asked by father to be in his possession dahil magpo-propose na siya sa babaeng mahal niya."

          "At hindi ang Mama mo 'yun diba?"
          "Oo, kaya mabigat ang dugo sa akin ng Papa. Arranged marriage ang ginawa sa kanya at sa Mama. Pareho silang may mahal na iba."
         "Tapos?"
         "Magtatanan daw dapat ang Papa at ang babaeng 'yun. Meeting Place sa Cubao terminal Station papuntang Baguio. Sakay si Papa sa kotse ni Ninong Rigor. Nang malapit na sila sa Cubao ay naharang sila ng mga bodyguard ng Lolo. Binigay ni Papa ang singsing kay Ninong Rigor at pinasabing kung anuman ang mangyari, ay hanapin ang babae at ibigay pa rin ang singsing."

         "So... nasa'n ang babae?"
         "Nalaman nilang nahuli rin ang babae sa pagtakas. May sakit sa puso ang babae at inatake makalipas ang dalawang araw."
     
        "Ang Papa mo? Saan napunta?"

        "Pinadala sa Amerika. Ayaw niyang kunin ang singsing kay Ninong Rigor dahil hindi naman daw totoo ang sumpang kaligayahan sa sino'ng may hawak no'n."
         "Sino si Rigor?"
         "Siya ang bestfriend ni Papa at.....dating kasintahan ng Tiya Rosalie mo."

          Nagulat ako sa nalaman ako. Hindi ko akalaing nagkanobyo ang tita kong 'yun.

       "Yung apartment na tinitirhan ko Jerie, kanya 'yun. Sa kanya ako tumakbo ng panahong gulung-gulo ako sa buhay ko, laging sa kanya. Joint investment 'yung mga apartment ng Ninong Rigor at ng tita mo pero sinuko na ni Tita mo ang rights ng maghiwalay sila."

           "Eh pano napunta sa 'kin itong singsing?"

          "Ang mga mayayaman, ayaw sa mga hindi masyadong mayayaman na kapareha. Kahit napatunayan ng Tita mo at ni Ninong na kaya nilang mamuhay ng tama,  magulang pa rin ang  nasusunod noon. Ang singsing ay binigay muna ni Ninong Rigor sa Tita mo pansamantala para may rason pa raw ang pagbabalik niya galing Europa. Hindi man kanila ang singsing pero parang may mahika raw 'yun sa sinong lovers na may hawak na gustong ipaglaban ang kanilang pag-iibigan."

         "Tapos?"

         "Ininform muna ng Ninong Rigor kay Papa na nasa Tita mo ang singsing. Wala na raw pakialam ang Papa kung nasa'n man 'yun."

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora