Chapter 8: I am with You

7.9K 200 4
                                    


MINDY'S POV:

MAAGA akong nagising at pinakialaman ko na ang kusina ni Jeorgia. Naalarma ako sa atake ng panaginip niya kagabi. I was bothered.

Pinirito ko 'yung natirang manok kagabi, ininit yung pizza, gumawa ng kape at nag-sangag. Oh diba, pa fry fry lang. Habang nag-hahain ako ay magiliw na dinidilaan ni Faw-faw ang paa ko. Nagugutom na rin siguro.

"Okay beybe, wait mo ako, halika at gisingin na natin ang amo mo."

Pagpasok ko ng kuwarto ay naabutan ko nang nagsusuklay si Jerie.

"Hi, good morning!" bati ko. Yayakapin ko sana siya pero parang nanimbang ako sa mood niya.

"Ah Jerie, tara kain na tayo. Nagluto ako ng mga tira kagabi, pasensiya na, best effort na 'yun ha."

"Nag-abala ka pa," malamig niyang sagot matapos itali ang buhok niya. Binuksan nya ang closet niya at kumuha ng itim na short at itim na t-shirt.Nakaitim na naman siya! Napansin kong nitong nagdaang linggo ay napilit ko na rin siyang mag-ibang kulay naman.

"Black again?"
"Hindi ako nakalaba kahapon eh," sabi niya bago pumasok ng Cr.
"Ay wait Jer! Hindi ka ba papasok?"
"Magsisick-call na lang ako."
"Okay...s-sige, labas ka na ha. Antayin kita."
"Mauna ka na kung gutom ka na."

Lumabas akong nag-tataka. Hindi ako sanay na ganito si Jerie. Something is wrong. Lumabas siyang malamlam ang mukha.

"Halika na Jer, kain na. Promise, I won't be naughty today."

Umupo siya at humigop ng kape. "Tastes good," usal niya.
"Salamat, 'yan lang ang specialty ko eh, he!he!"
"Wala ka rin bang trabaho at hindi ka pa umuwi?"
"Ahhm...wala akong commitment this week. Nagpaalam ako kay Bamby na pahinga muna ako."

Sumubo siya ng pizza. "Okay pa ba lasa?" tanong ko sabay higop rin ng kape. Nakikiramdam ako dahil parang may wall sa amin ngayon.

"Okay pa. Si Mina? Paano umuwi kagabi?"
"Hinatid din ni Bam last night, bangag nga lang sa antok."

Tahimik kaming natapos mag-almusal. Ako na ang nagligpit at siya ang naghugas. Sumunod ako sa kanya paakyat ng room niya. Para akong si Faw-faw na sumusunod. First time kong makaramdam ng takot, takot sa paglayo ni Jerie. Umupo ako ng kama niya habang nagbukas siya ng laptop niya.

"Dami ka bang work? I mean...sa pagle-layout?" nahihiyang tanong ko.
"Mindy....." bigla akong kinabahan sa tono niya. "Aalis ako bukas."

"Saan ka pupunta?"
"Sa Bohol. Dadalawin ko ang pamilya ko."
"May nangyari ba?"
"Wala naman."
"Sama ako."
"Huwag na, hindi puwede."
"Bakit?"
"Basta."
"Sa ayaw at sa gusto mo ay sasama ako."
"Please Mindy, mula ngayon sana, hangga't maaari, huwag mo na rin muna akong kausapin, samahan o itext. Basta as in, wala. Parang hindi mo ako kilala."
"Bakit?"
"Gusto ko."
"Dahil gusto mo, pero hindi ko gusto. Dahil never kang magdedecide ng para sa sarili ko at sa kung ano ang gusto ko."

Umiling-iling siya. "Unless bigyan mo ako ng rason para sundin kita."
"Ayaw na kita sa buhay ko."
"Wow ah! Bigla-bigla?"
"Gawin mo na lang, mas magiging madali para sa akin."
"Para sa 'yo, oo."
"Bahala ka."
"Kailan flight mo?"
"Ito, nagpapa-book na ako, bukas ng alas tres."
"Okay, bahala ka kung 'yun ang gusto mo."

Umalis akong naiinis kay Jerie. Naiinis din ako sa sarili ko bakit ako nagkakaganito sa isang babaeng nito ko lang nakilala.Umuwi ako ng apartment na nag-iisip. Ano nga ba ang gusto ko? Ano nga ba ang habol ko kay Jeorgia Laurice?

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon