Chapter 32: Now I know

6.1K 165 3
                                    

JERIE'S POV:

          "Ha? Umupo ka nga ng maayos Mindy, magseryoso ka nga puwede?"
          "S-sorry. I-I just brought you those sweets kasi...favorite mo.?"
         "Ano ba 'yan? Para kang nagtatanong?"
         "Sorry naman. Jerie please, mahirap sa akin 'tong ginagawa ko. Antagal nating di nagkita, huwag mo naman akong sindakin."

       Natawa naman ako sa sinabi nyag nasisindak siya sa akin.

       "Asus Mindy, huwag ka ngang magpanggap." Siya naman ang natawa.  
       "Ang harsh mo eh..."
       "Haaay naku Mindy, dyan ka na nga muna at baka matunaw 'yang garden cake mo."

        Tumayo ako at iniwan muna siya sa salas. Kinuha ko ang mga pasalubong niya at nilagay namans sa ref ang cake. Mindy still affects me eversince. Masaya akong nandito siya. But I still need to guard the wall between us. Andito si Carina, hindi ko dapat kalimutan. Maybe she's here for the closure? Well, sana nga ng maka move on na ko. Ang hirap ng ganito eh Bumalik ako sa salas. Tumabi ako sa kanya sa mahabang sofa. Baka kasi hindi ko na na siya makatabi sa darating na panahon.

         "So....kamusta na? You look...so happy," simula ko.
         "Happy?"
         "Oo naman, hindi ba?"
         "Masaya ako oo, kasi andito ako katabi mo."
         "O?"
         "Baka sugurin ako ni Carina?"
         "Ha?"
         "Si tisay, yung girlfriend mo..."
         "Ha? Tisay? Look Jerie, it's not what you think okay? S---"
         "Ate!!!"
         "LC, baby no!"
         "Hayaan mo na, buti nga ang bata namiss ako, samantalang 'yung isa dyan....bumiyahe ako mula Maynila hanggang dito sa Bohol, parang wala lang sa kanya. Diba no LC?"

       Pinaikot ko ang mga mata. Ano ba pinag-sasasabi nito? Samantalang una pa man, gusto ko na siyang yakapin at...halikan. 

        "Pasalubong?" tanong ni LC. "Miss kita ate, ganda ka."

         "Really?" tanong ni Mindy. Habang kalong niya si LC ay niyakap niya ito ng mahigpit at hinalikan sa ulo. No one has shown affection to LC aside from her immediate family, si Mindy lang. The scenario melted my heart. Hindi natuloy ni Mindy ang sasabihin niya dahil biglang lumabas mula sa kuwarto si LC. "Ate!!" Tuwang-tuwa si LC ng makita si Mindy. Dinaanan nga lang ako at dumeretsong kandong kay Mindy.

         "Na kay Ate Jeorgia ang cake, daming flowers. Sa 'yo lahat 'yon ah! Mag-toothbrush ka lang lagi para hindi ka mabungi. Tingin nga ang ipin.." Ngumanga si LC at pinakita ang  mga ipin. "Huwwwooow!! Clean and white," pang-aliw na puna ni Mindy.

        "Ikaw? White din?" Pinakita ni Mindy ang mga ipin niya. "See mine? White na, mabango pa. Puwedeng puwede na," tumingin sa akin si Mindy.

        "Puwedeng-puwede ng humalik," sundot niya sabay kindat. Pumitlag ang puso ko. Sumagot nga ako.

       "Huwag ka nga!" Pero deep inside, kinilig ako at naapektuhan ako ng biro niya. Gusto ko na siyang ikulong sa mga bisig ko.

        "Gusto mong makita 'yung flowers sa cake LC? Masarap," tanong ni Mindy. Bumaba naman si LC mula sa kandungan niya at hinila na ang kamay niya papuntang kusina.

        "Ano Jerie? Halika na, huwag ka ng magpanggap na stiff ka. If I know, kinilig ka at deep inside namimiss mo na ako."

        Natawa ako ng mahina. "In your dreams Jasmin, in your dreams."

        "Oo nga Jerie, lagi kitang pangarap."
       "Naku, gutom lang 'yan. Kanina ka pa pumipick-up."

        Pinaupo ko na sila LC at Mindy, magkatabi sila. Ako nama'y sa tapat nila umupo. Kumuha si LC ng icing sa gild ng cake at dinilaan ang hintuturo niya. Hindi ko na sinaway dahil magrereact na naman si Mindy for sure.

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Where stories live. Discover now