Chapter 2: Rush

13.7K 269 8
                                    


           AFTER SIX YEARS:

MINDY'S POV:

      INIKUT-ikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kuwarto. Tumangu-tango ako habang iniisa-isang buksan ang mga bakanteng built-in cabinet. 

      "Okay na 'to Ninong, maraming salamat sa iyo. Hulog ka talaga ng langit."

        "Ewan ko sa 'yong bata ka, alam ko'y bente otso ka na, dapat nasa marrying stage ka na, pero heto't daig mo pang isang rebeldeng teen-ager," nagkamot ng ulo ang aking Ninong Rigor. Bestfriend siya ng daddy ko at parang anak na rin ang turing nya sa akin.

        Habang pababa kami ng hagdan patungo sa kitchen ay nagpaliwanag ako.

       "Nong, dadating din 'yun, basta gusto ko lang makatakas sa masalimuot na buhay sa bahay."

        Iniisa-isang sipatin ng ninong ang cabinet sa ilalim ng lababo. May nakita pa akong ipis na mabilis tumakbo.

         "Ilang taon ka na bang ganyan ang buhay, walang direksiyon. Ayaw mo ba talaga sa anak ko? Mas mainam yun, magiging intact talaga ang pagiging magkumpare namin ng daddy mo."

        "Alam niyong magkaibigan lang ho kami."

       "Oh siya-siya, ikaw na ang bahala rito," sabi niya pagkatalikod niya galing sa dirty kitchen. Dinaanan pa ng daliri niya ang ilang mga uka sa poste ng kusina. "Magpapadala na lang ako ng trabahador para sa renovation nito, sayang."

     Nakita ko siyang umiling. "Nong, may sentimental value sa inyo ang apartment na 'to no? Hindi niyo maigive-up eh."

       "Parang ganu'n na nga, hindi naman naalagaan ng huling tumira."
      "Yaan mo 'Nong, akong bahala rito."
       "May makakasama ka na ba rito?"
       "Hmmmm..Wala pa pero marami d'yan, don't cha worry!"

       Sabay na kaming lumabas ng apartment. Pagka lock ng pinto ay may nasalubong akong babae papasok ng main gate. Nagulat siya ng makita ang Ninong.

       "Tito Rigor?!" Nagsalubong ang kilay ni Ninong na pilit inaalala ang babaeng kakapasok lang.

       "Si Mina po ako, apo ni aling Sefa, kamusta na po kayo?!"

        Rumehistro ang ala-ala nila agad kay Ninong. "Ow! Ang laki mo na! Sabagay mahigit sampung taon akong hindi napadpad rito, kamusta ka na?!"

        "Heto, twenty five na rin, nagkaka-edad na rin po. Umuwi ako sa probinsiya noong twelve ako.  Wala na kasing kasama ang lola kaya ako lumuwas. Kagagaling ko nga lang ho sa Makati at nag-aaply ng trabaho."

        "Ah ganun ba?" May kinuhang calling card si Ninong at inabot kay Mina. "Oh heto, tawagan mo lang ako pag kailangan mo ng tulong."

        "Naku, salamat po! Dito na ho ba kayo titira?"

         "Ay hinde, itong inaanak ko na ang pansamantalang titira dito. Ay, si Jasmin nga pala. Anak, si Mina, ala-alaga ko rin nuon nung nakatira pa ako rito."

         Inabot ko ang kamay ko sa kanya. 
"Hi...Mindy. Just call me Mindy."

        Ang apartment na 'yun ay tatlong pinto at pag-aari ng Ninong ko ang isa. Humiwalay muna ako sa demanding kong ina dahil pilit akong nirereto kung kani-kanino. Pero kahit ano'ng gawin niya, hindi na ko tutuwid dahil babae, babae talaga ang gusto ko. Hindi nila ako matanggap hanggang ngayon, na hindi ito isang phase na lilipas.

         I dated men, pero wala talaga sa kanila ang puso ko. Minsan, minsan akong nagmahal ng totoo, pero tila ito naging bangungot. Kaya bago pa tuluyan akong mabaliw sa paligid ko na kasama ang nakakairitang araw-araw na pangaral ay humingi ako ng tulong sa Ninong ko sa Maynila. Malayo sa Ilocos. 

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Where stories live. Discover now