Chapter 18: Possessive?

6.7K 189 0
                                    

MINDY'S POV:

        MABIGAT man sa kalooban ko na umalis ng gabing iyon, wala akong magawa. Imbis na malaman pa ni Wanda kung saan ako nakatira at guluhin ako, ako na ang nakipag kita sa kanya.

        Kung anuman ang mayro'n sa amin ni Jerie, gusto ko munang manatiling gano'n. Gusto ko munang alagaan nyung thought na nagkakasama kami ng walang problema.

         Nasa Antipolo ako ngayon para sa project na inassign ni dad. Emergency, hhmmm...hindi naman talaga emergency. Napilitan lang akong bumalik ng Antipolo kasama si Wanda. Doon ang hometown niya at doon ko siya nakilala. Yes she is teasing me at masaya akong napaglabanan ko... dahil kay Jerie.

        Thursday, nasa condo ako ni Wanda, pero hindi ako dito natulog ha. Sinindihan niya ang isang sigarilyo. Nasa dining room kami at kakatapos lang namin maghapunan.

          "So this is it?" sabi niya sabay taas ng isang paa sa upuan.
         "Wanda, may pinagsamahan tayo. Alam mo namang noon pa, hindi ko maiibigay ang higit pa na gusto mo."
         "Hanggang ngayon pa ba,' yung past pa rin?"
         "I am trying to forget that Wands, ayoko ng isiping yo'n."
         "It's been so long Jasmin Diana, bakit? Sadya bang sinara mo na ang puso mo or...kabaligtaran?"
        "Kabaligtaran na ano?"
        "That you have found the one?"
        "Hindi ko minamadali."
        "Who's the lucky...."
        "Girl."
        "Oh...babae pa rin pala. I thought nanawa ka na sa babae."
        "Wanda, tapos ng affair natin na hanggang kama lang, wala ng sumunod."
        "Wow! Years na 'yon Mindy, paano ka nakakatagal?"
         "Di na dapat tinatanong ang mga ganyang bagay."
         "So...sa'n mo naman nakilala 'tong lucky so called girl?"

           Kumuha ko ng isang sigarilyo at sinindihan. Nagpabuga ako tsaka sumagot.

         "Someone special."
         "Oh, special. Naks ha!"
         "May puso pa rin naman ako."
         "Enough for that Mindy. I am leaving for New York tomorrow, ihatid mo ako."
         "Can't be, may trabaho ako. Buong huwebes ko na ngayon ay binigay ko na sa 'yo."

         Matapos ko kina Wanda ay umuwi ako ng condo ko. I checked the time: 9:46 na ng gabi. Mgahapon kong hindi na Nakausap o nakatext si Jerie. Namiss ko tuloy siya bigla. Four days ko rin siyang hindi nakita ah.

         Ready na akong matulog at exicted na umuwi bukas sa Manila para makita siya. Don ko lang tinadtad ng text si text si Jerie. Aba! Hindi sumasagot. Kahit miniscall ko na, hindi pa rin ako sinasagot.

        Nag bukas ako ng FB at nakita kogn naka online siya do'n. Nag send ako ng message. Sumagot agad naman siya.

         "Hi, sasagot na sana ako, nag Pm ka naman. Sorry, nagcharge cp ko, kabubukas ko lang."
         "Tired?"
         "Nope."

(Naku, mukhang wala sa mood)

        "Busy?"
        "Kind a'...I guess ikaw rin :)"
        "Oo eh..may mga bidding lang ako inaasikaso sa project."
         "Okay."
         "Eh ano'ng ginagawa mo? Puwede ba kitang tawagan?"
        "Uhmmm...may tanggap kasi akong layout sa isang debut, malapit na matapos."
        "Later?"
        "Sige pm ka lang, nirereview ko lang naman 'yung designs."
        "Kamusta si Balot? Okay 'yun, kalog. Minsan punta tayo sa resort niya sa ISLA PUTING UMAGA."
        "Bakit naman tayo pupunta do'n?"
        "May magic yung isla na 'yun."
        "Magic?
        "Nagkakatuluyan ang mga nagtataguang damdamin."
         "So...may isasama kang gusto mong makatuluyan? Wala naman akong isasama ro'n."
         "Matagal pa naman, after siguro ng project ko."
         "Okay."
         "Jerie....."
          "Hmmm?"
          "Namimiss kita."
          "Ha! Ha! Ha!
          "Ano'ng nakakatawa?"
          " 'Yung joke mo."
          "Grabe.....salbahe mo...;( "
          "Namimiss ba 'yung maghapong walang ni ha ni ho? 'Tas bigla na lang susulpot sa gabi at nagpapacute? Namimiss ba 'yung ang kasama eh ex fubu?"
         "Jeorgia!"

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon