Chapter 3: Blacklady

10.7K 253 4
                                    

MINDY'S POV:

        Hindi ko alam pero ng makita ko si Ms. Blacklady na kasabay ko sa elevator ay pumintig ang puso ko. There's something about her that I wanna get close to her. I gave way na ako ang lumabas dahil overload na, tutal ako naman dapat dahil nauna siya sa 'kin mag hintay.

      Para akong tangang naghagdan ng mabilis pa ground floor maabutan ko lang siyang bumaba. Nang makita ko siyang bumaba ay natigilan naman ako. Ano naman sasabihin ko paglapit sa kanya, aber? Hay, silly me!

        Naisip kong tawagan si Bamby, "Hello Bamz!"

       "Oh bakit, may nakalimutan ka pa ba sa mga bilin mo?"

         "Am...wala. Tatanong ko lang kung kikala mo yung nakatira sa room 1006?"

       "1006? Hmmm...hindi eh. Alam mo naman dito, hindi friendly mga tao. Bakit? maganda no?"

       "Hindi.... ano kasi.."

        "Kilala kita Jasmin Diana, 'yang mga ganyang tono....nakuuuu. Huwag ka ng mambiktima. Manahimik ka na lang muna."

          "Nakakainis ka maman...kilalang kilala mo na ako.."

        "Ikaw pa! Sige na, sige na. May meeting pa ako sa bride mamyang alas otso para sa food tasting sa caterer."

        "Wewewe'wait! Bamby, favor please... Kakalimutan ko ang fifteen thousand mong utang, makilala ko lang siya, help me."

         "Hahahaha!!! Kelan pa natiyope ang isang Mindy Sandejas?!"
        "Huwag mo kong tawanan, nyemas ka..."
        "Seryoso ka ba sa utang na mawawala?"
        "Seryoso...."
       "Eh bakit ba kasi, malay mo kung bisita lang iyon?"
     "Kaya nga aalamin mo eh - dali naaaa."

       "Hmmm..pero sige, kung maglalaro ka na naman, labas ako diyan ah. Pero sana maman Mindy, sumeryoso ka na nga sa buhay mo?"

       "Ingay mo, gawin mo na lang yung pabor para sa kinse mil."
      "Bahala ka..Saan ka ba pupunta ngayon?"
      "Sa hardware, bibili ako ng pintura, kulay itim."
     "Ha? Bakit kulay itim?"
     "Joke lang. Kulay light green para nga sa kitchen. Do'n sa titirhan ko."

        Pumunta muna ko sa Ace hardware para mamili ng ilang tools sa renovation ng apartment. Gusto ko ay kahit papano magka effort ako sa bago kong titirhan. Isa akong free lance event photographer at kinuha ako ni Bamby sa isa niyang kliyenteng ikakasal. Nagpunta ako sa condo niya dahil kinukulit niya akong tingnan ang venue sa prenup ng customer niya.

        Matapos mag mall ay bumalik ako sa apartment. May ilan na rin kasi akong personal belongings na pinadala ko sa yaya ko. Pansamantala ay tumakas muna ako sa magulong buhay ko sa bahay. Kaaway ko lang ang nanay ko, pero alam ng dad ko ang lahat ng tungkol sa akin. Pagpasok ko ng main gate ay nasalubong ko si Mina.

         "Hi," bati niya ng may ngiti. Tisay si Mina, sexy at maappeal. Pero..kay Blacklady pa rin ako.
         "Hi," ganting bati ko.

        "May bagong bukas na karinderya dito sa kanto, masarap daw. Gusto mong sumama?"

         "Ah hindi na...mas gusto kong magpahinga.Iipon ng lakas, para masimulan ko na ang bahay."
       "Ah okay, kung may kailangan ka, kumatok ka lang diyan sa door one."
       "Salamat."

      "Siyanga pala Mindy, may job interview na ako sa kumpanya ng Ninong Rigor mo. Thank you.."

      "Ow congrats! Ganun talaga si Ninong, heto nga at tinulungan niya ako para di maging palaboy, lumayas ako eh. Anyway, I'll go ahead ha. Ikain mo na lang ako."

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Where stories live. Discover now