Chapter 10: Haunting

7.2K 209 4
                                    

MINDY'S POV:

        HINDI ko hinayaan na itaboy ako ni Jerie. I know she is just confused about her dream. I still slept by her side, kahit talikuran kami ay dama ko bigla ang pader sa pagitan namin.

       Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Naabutan ko ang tiyahin niyang nag-luluto na para sa tanghalian. Nahihiya naman  akong mag-alok ng tulong dahil wala naman akong alam sa kusina.

         "Oh hija, maupo ka na, saglit lang at iinitin ko yung tsokolate na maiiinom. Nakow! Napakasarap noon."

        Hinila ko ang isang upuan at umupo. Kumuha ako ng isang slice ng gardenia at nagpalaman ng pesto na katabi ng strawberry jam.

         "Nasa'n po ang magkapatid?" tanong ko pagkatapos kumagat ng tinapay. Tinikman ni Tita ang mainit na sabaw sa dulo ng sandok niya. Nang masatisfy sa lasa ay muling tinakpan ang kaldero, hininaan ang apoy at umupo sa tabi ko.

         "Nasa isa kong kapatid, hindi naman malayo rito. Nangako kasi siya na dadalhin niya si LC at makikihiram ng bike sa mga pinsan niya doon."
         "Bakit hindi niya bilhan?"
         "Protective si Jeorgia sa kapatid niya. Madidisgrasya lang daw lalo na't mahina ang katawan ng bata. Gusto niya, kung magbike man ay kasama siyang bantay."
          "Aahhh...tama naman po 'yun."
          "Matagal na ba kayong magkakilala ni Jeorgia?"
         "Nito lang pong isang buwan."

        "Natutuwa ako para sa kanya at salamat sa pagtanggap mo sa kanya. Mula ng nag-kolehiyo 'yan ay hindi na yan nakipag-kaibigan, ni tumanggap kahit manliligaw."

        "Bakit nga ho ba? Ano po ba nag nangyari?. Akala ko ay may nobyo na po siya. Pagdating po namin galing airport ay may tinawagan po siyang love?"

         "Ah..si LC 'yun. Lovely Charm ang tunay niyang pangalan. Mas gusto kasi ng bata na love ang itawag sa kanya."

          Lihim kong pinagtawanan ang sarili ko. Nagduda ako kay Jerie, hindi pala dapat.

         "Pero bakit mailap ho sa tao si Jerie? Jerie ba talaga nickname niya?" Napangisi si Tita Salve.

         "Hindi, kilala siyang Jeorgia talaga pero may isang palayaw siya dito sa aming baryo na ayaw niyang naririnig."
         "Ano ho?"
         "Huwag mong sabihing sinabi ko ha? Munggay. Mahilig kasi sa sabaw na may malunggay si Jeorgia. Nagagalit noong bata kapag hindi 'yun ang ulam nila."
        "Ahhh, malunggay. Akala ko ho sa munggo."
       "Oh siya, ipagpatuloy mo na ang agahan ng makapasyal ka pagdating nina Jeorgia."

         Bago pa nakatayo si Tiya Salve ay napigilan ko ang braso nya. Nagsusumamo ang mata kong sinalubong ang mata niya.

          "Tita, can you tell me what happened please? Bakit binabangungot si Jerie? Asa'n ba ang mga magulang niya?"

          Umupong muli si Tita at sinipat ang orasan sa dingding. Tinatantya ang dating nina Jerie. Huminga siyang malalim tsaka nagsalita.

          "Marso noon at malapit na ang graduation ni Jeorgia sa highschool. Kagagaling sa operasyon sa puso ni LC at natugunan 'yun dahil may isang pulitikong nag sponsor ng operasyon. Two years old palang si LC no'n kaya sobrang pasalamat namin na nakaligtas siya. Luluwas ng Maynila ang magulang nila dahil sa graduation nga ni Jeorgia. Salutatorian siya noon at gustung-gusto niyang silang dalawa ang magsabit ng medalya. Hindi sila nag-eroplano dahil naubos na ang pera nila. Nilikom pa namin ang extra nilang baon dahil, proud din naman kami sa natamong karangalan ni Jeorgia."

         "Ano pong nangyari?"z
         "Noong una ay ang ama lamang niya ang luluwas sana pero pinilit ni Jeorgia na dalawa sana ang maka-attend ng graduation. Sabi ni Jeorgia ay gusto niyang makita ng parents nya ang resulta kung paano ginapang ang kanyang pag-aaral."

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Onde histórias criam vida. Descubra agora