Chapter 34: Paano na?

7.1K 158 0
                                    

MINDY'S POV:

I believe you…when you say that YOU LOVE ME ♪ (Hindi lang isip ko kundi puso ko ay naniwala nang sabihin niyang mahal niya ako.)

Know that I won't take you for granted ♫ ( We will start anew and I pray that this would be for keeps. )

Tonight the magic has begun --- so won’t you hold me, touch me….♪♫  (Magic? Yes, there's a magic since the very first day me met.)

      Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaranas ng sobrang kaligayahan. Napakasarap sa pandinig ang mga katagang "Mahal kita Mindy, mahal na mahal kita." Deep within, alam kong mahal ako ni Jerie. Lamang, ay mga personal issues din akong kailangan harapin. Magkatapat kaming nakahiga ngayon ay hinahaplus-haplos ko ang pisngi niya.

       "I wanna ask forgiveness ma cherrie for taking so long. Sana maintindihan mo na gusto ko,  na kung sakaling dumating yung panahon which is now na harapin ka, 'yung buong-buo ako. Gusto kong mahalin ka ng wala akong iniisip. Noong inakala kong si Mavick ang pakakasalan mo ay madurog ang puso ko at halos pagsisihan ko ng labis kumbakit pinakawalan kita at naduwag ako."

         Gumanti siya ng paghaplos sa pisngi ko. "The day I left two months ago, I thought that would be the last time I'm gonna see you. I kept myself busy para hindi ka lang maisip but I failed. Gusto kong magalit sa 'yo  pero hindi pala kayang diktahan ang puso, minamahal pa rin kita at umaasang makita ka muli."

        I smiled at her. Kinabig ko siya at kinulong sa mag bisig ko. I hugged her tight and kissed her head. "My Jerie, my Jerie…."

        Kumalas siya ng yakap at marahang tumayo. "Mindy, I have something to give you," sabi niya sabay may kinuha sa ilalim ng unan niya na pamilyar.

         "I guess it's yours," at inabot niya ang pouch. Sumandal ako sa headboard ng kama at kinuha ang pouch. Actually nawala na rin sa isip ko 'to. Nag-explain na siya bago pa man ako nagtanong.

       "Nasa palengke kami ng tita no'n at naghiwalay muna kami, sila ni LC ang magkasama no'n. Nagulat ako ng makita sa bag ni LC at nang buksan ko ay hindi maipagkakamaling 'yan ang heirloom na binalik ko sa' yo. Tuwing may fiesta at okasyon kasi hindi naman maiiwasan ang mga mapag-samantala. Malamang ay nakuha sa 'yo at pinagpasa-pasahan na. Nakita kong nagronda na ang mga pulis kaya siguro sa tensiyon ay di na nila alam ang  gagawin at natapat sila kay LC. Pero don’t worry, nahuli naman sila."

        Kinuha ako ang pouch at nilapag sa bedside table niya. Ibibigay ko pa lang sa kanya ang singsing, nauna pa sa akin. Ano ba ang mayron sa alahas na 'yon?

        "Alam mo Mindy, ayaw kong isipin pero parang may misteryo ang singsing na 'yan. Ilang taon kong inalagaan 'yan at hindi ko maintindihan kumbakit may koneksyon kami niyan."

       "Oo, may magic 'yon pero huwag mo ng isipin. Masuwerte ako at sa mga kamay mo pa rin ito napunta. Mukhang gusto talaga sa 'yo."

        "Bakit mo pala dala 'yan dito at sbi mo nga ay hindi basta-basta ang halaga niyan? Hindi mo pa ba sinosoli sa lola mo?"

        "Ahmmm…sinoli pero binigay niya muna sa akin."

        "Hanggang kailan ka dito? Paano ang trabaho mo sa Maynila?"

       "We admitted our feelings with each other and I want to take it slow. Ayaw kong madaliin ka."

       "What do you mean?"

        "You deserve everything in the world Jerie and I want to give you the best."

       "Mindy, ikaw lang ng buong-buo, sapat na. Malamang ako lang, sapat na."

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )حيث تعيش القصص. اكتشف الآن