Chapter 4: Meeting Jerie

9K 244 11
                                    

  MINDY'S POV:

        SINIKO ako ni Bamby nang mapalapit siya sa akin. I cleared my throat dahil parang nanuyo na sa pagka-mangha sa mabining pagtugtog ng biyulin ni Blacklady.

       "Kinse mil, beybe!"
       "Suwerte mo lang, loka. Paano mo siya nakilala?"

         "Nakasabay ko siya sa coffee shop kanina. Naglakas loob akong lapitan siya at nagpakilala ako na kapit-bahay niya. She is so shy, parang takot sa tao. Fate has been good to me sister, I invite her sa house for dinner at nalaman ko nga ang lakad niya today. See, hindi ako nahirapan?"

        "Ano ang pangalan niya?"
       "Jerie."
        "Contradicting ha, boyish name in a lovely body."
       "Tsk tsk... huwag na 'yan friend, mukhang nanakawin mo pa ang kainosentihan nung bata."
       "Hindi ko kailangan ng payo mo, gawin mo ang trabaho mo."
       "Demanding."

         Natapos ang apat na awitin na pagtugtog nila habang nagpipicture kami with the couple and guests. Kumuha ako ng maraming shots na laging kasama si Jerie. May tatlo rin akong kuha na solo nya, close up.

       Nabibighani ako sa kasimplehan niya at sa matamis niyang ngiti, at mabining pagkilos. Parang bawat galaw ay may lalim, misteryoso. Well at least, hindi na siya blacklady, may pangalan na siya - Jerie. Ang nararamdaman kong puwersa at atraksiyon ang hindi ko mapangalanan sa ngayon. ....at problemang malaki iyon para sa akin. Tsk!

         Natapos ang program ng alas kuwatro ng hapon. Mabilis na kumilos si Jerie palabas ng function room. Hahabulin ko sana siya pero nahatak ni Bamby ang braso ko.

       Nawala ako sa huwisyo pagka kita ko kay Jerie sa event. Hindi ko tuloy alam kung naging maayos ang trabaho ko kanina. Simple lang ang ganda ni Jerie, pero hindi 'yun ang main reason kumbakit gusto kong mapalapit sa kanya. Aaminin kong, naguluhan ako dahil sa puso ko, parang kilala ko na siya dati pa.

        Sinunod ko ang suggestion ni Bam na sa condo na niya kami maghintay. Alas onse na ng gabi ng lumabas ulit si Bam para icheck kung nakauwi na si Jerie.

        "Andiyan na, andiyan daliii," kinikilig pang sabi ni Bam.
      "Hoy babae! Type mo rin ba?"
       "Alam mong deretso ako bruha! Natutuwa lang akong makita kang natotorpe! There is something with that girl that makes you shiver - hahaha!!"

        "Oh ano'ng gagawun natin?"
        "Ayain ko siyang lumabas tonight tas papakilala kita."

        Kumatok kami ng tatlong beses. Kinakabahan ako. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako hIndi naging confident.Haysus! Isang early fifty na ginang ang nagbukas ng pinto. Ang espasyo ng opening ay sapat para matanaw ko si Jerie sa kitchen na naka itim na shorts, itim na sleeveless na blouse at itim na panali sa buhok. Hinangaan ko ang proportion na haba ng legs niya. Seryoso? Black fave niyang kulay?

         "Yes...sinong kailangan nila?" Bati ng babae.

          Siniko ko si Bam para magsalita. "Ah...eh...s-si Jerie po ba nandiyan? Kapitbahay po kami." Lumingon siya sa likod. "Diyan po ako sa room 1003."

         Magsasalita pa sana ako ng napasigaw ako... "Arouch!!!"

JEORGIA LAURICE' POV:

       Umuwi ang tita Elora galing Qatar at dito dumeretso sa condo niya. Matapos ang event ay kanina at nagmadali na ako pasundo sa kanya sa airport.

        Nagtitimpla ako ng kape ng may kumatok at si Tita ang nagbukas. Alam ni Faw-faw na ibang tao at tumahol. Hinabol ko siya palabas at naabutan ko ng nasa paanan na siya ng isang babae na pamilyar sa akin.

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Where stories live. Discover now