Chapter 35: Mallows

7K 176 1
                                    

JERIE'S POV:

       I missed Mindy so much. Excited akong makita siya. I've never been happy in my entire life, ngayon lang na wala ng problema sa pagitan namin dalawa.

      My heart jumped when I saw Mindy on her simple but an elegant dress. Gusto ko na siyang dambahin at yakapin. I know she's serious when she said she wanna kiss me kaso abay ako baka masira ang make-up ko.

      I left her with Irma ad I am taking a glance at her once in a while. I'm not sure If I saw confusion in her eyes. Sino ba ang ayaw na matali at makasama ang taong mahal mo? Nangarap din naman akong magrecite ng vow ko sa harap ng mga mahal ko sa buhay.

      Natapos ang wedding  ceremony at makikita mo talaga ang saya sa mga mata ng ikinasal. Niligid ko ang paningin ko at masaya-masaya din ang lahat ng mga umattend na bisita at kamag-anak. Isa si LC sa mga flower girls. Sa tuwing titingnan ko si LC, nangingiti ako. Siya lang ang kapatid ko at mahal na mahal ko siya. I would do everything for her even risking my life.

       Isa naman sa Ninang si Tita Salve. Ang tita kong tumayong ina namin mula ng mamatay ang mga magulang ko. Wala na ngang kulang kung iisipin. Material wise, future wise, we have enough.

       Nag-alisan na ang mga bisita at sa kotse ni Mindy ako sumakay. I just miss her. Kung puwede lang na huwag ng pumunta ng reception at yakapin ko na lang siya magdamag.

       "Sa'n ka nagpunta kanina Minds? Lumabas ka kanina eh."

       "Ah wala, medyo nainitan kasi ako. So sa'n tayo? Turo mo na lang ha."

       Sinalat ko ang leeg niya. "May dinaramdam ka ba?"

      "Na-excite lang akong makita ka, naubusan ako ng hangin sa kaba."

       Alam kong pinagagaan niya lang ang boses niya. "C'mon Mindy, hindi tayo aalis dito hangga't hindi mo sinasabi bakit ka ganyan. Don't lie please."

       Kinuha niya ang kamay ko sa hita ko at hinalikan ang likod no'n. Ramdam kong gumuhit ang init mula sa daliri ko hanggang kaibuturan ko.

       "Ikaw Jeorgia Laurice ang  pinakaaaaa-mahalagang tao sa buhay ko ngayon. Huwag mo akong iwan."

        Magaan akong sumandal sa upuan. "Hmmmm…namiss mo nga ako."

         "Jer…do you wish to be married?"
         "Sinong babae ba ang hindi?"
         "With a man and start your family with?"

        "Hay naku! Kaya? Kaya ka ganyan dahil iniisip mong magpapakasal ako sa lalaki? Oo, pangarap kong ikasal. Pero sa taong mahal ko. I'd rather stay single and alone than marrying someone I do not love. It will just make life miserable and unfair."

        "Mahal mo ba ako?"

       "You always wanted to hear it no? Hindi mo pa nararamdamang mahal kita? Ngayon pa ba? Kahit hindi ko nga alam kung ano ba estado natin. Ano nga ba tayo Mindy?"

       "Ano nga ba? Kailangan pa ng label? Mahalaga ba 'yon?"
       "Oo, mahalaga sa  akin."

         Nakita kong naconfuse na naman siya. Hindi kaya there's a need for me to give her more time?

       "Mabuti pa, pumunta na tayo sa reception, then makauwi ng maaga at makapag-pahinga ka. Naka-check-in ka ba?"

        "H-hindi. Puwede ba sa inyo?"
        "My pleasure. Tara na at mag-aassist pa ako sa mga coordinator."
        "Puwede ba muna akong humingi ng kiss?"
        "Hindi tinted ang kotseng nirentahan mo, mamaya na. Magpaka-sawa ka."
        "Promise?"
        "Ha! Ha! Ha! Oo nga! Sige..andar na!"

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Where stories live. Discover now