Chapter 17: Life's Twist

6.5K 171 6
                                    


JERIE'S POV:

        MATAPOS mag-dinner at ang mga gawain ay pinapunta ako ni Mindy sa kuwarto niya.

        "Oh Jer, psaalubong ko sa 'yo," at inabot niya sa akin ang ilang snacks at purse galing Antipolo. May nakaburdang pangalan ko sa isang towel at isang mamahaling knitted coat.

         "Hala ano ba 'yan Mindy, nag abala ka pa. Dami mo ng tulong."
         "Okay lang 'yan, tsaka pati naman si Bamby mero'n niyan. Pati si Mina."
        "Ah...pare pareho pala kami?"
        "Uhmm..yes. Except for the jacket. Dahil ayokong yakapin nila ako katulad ng yakap mo, hehe!"
        "Ikaw talaga!"
        "So pa'no? Maayos na ba ang kuwarto mo sa kabila?"

        May biglang umusbong na feeling na bakit parang tinataboy niya ako ngayon?

       "Ahmm...oo, ayos naman. Ikaw? Okay lang ba 'yung pag kakaayos ko ng mga gamit mo? Naitiklop ko na ang mga damit m kukunin ko lang saglit."
      "Okay."

       Paglabas ko ng kuwarto ay nanibago ako kay mindy. Bakit parang biglang nabago ang mood niya. Nilapag ko ang mga pasalubong niya sa kama ko at kinuha naman ang mga nakatiklop niyang damit. ( Georgia Laurice, trabaho lang, walang personalan. Ginusto mo 'to diba?- paalala ng subconscious ko. )

        Kumatok ako ng dalawang beses bago binuksan ang pinto. Naabutan ko siyang may kausap sa cellphone. Hindi ko naman sadyang marinig ang salita niya.

        "Wanda please, diba sinabi ko sa 'yong hindi ako puwede bukas. May trabaho ako."

        Saglit na patlang. Nagsalita siya ulit. "Okay okay okay!" sa tonong naiirita na siya.

        "Magkita tayo ngayon na lang, magbibihis lang ako."

         Nang inoff nya yung cp niya tsaka ako lumapit ng tuluyan.

        "Heto na 'yung mga damit mo Mindy," sabi ko at pinaramdam ko sa boses ko na narinig ko ang usapan nila nung Wanda.

       Kilala ko 'yun base sa mga naishare na ni Bamby sa akin noon. She's the long time MU ni Mindy, maging sa kama man. Sumakit bigla ang puso ko. Sabi niya kagabi she misses me pero aalis siya ngayon? Kasama ng ex fubu niya? Oh my!

        "Aalis muna ako Jer....ikaw na muna bahala rito."

        Iyon lang at dumeretso na siya ng banyo niya. Wala na akong nagawa kundi bumalik ng kuwarto ko. Natulog na ako at hindi ko na siya naantay pa. I asked myself, bakit ba ako nang gagalaiti kung nasa kandungan siya ng malanding si Wanda na 'yun? Kami ba? Do I own her? Hindi naman diba? Haaisst!

       Nagising ako kinabukasan ng wala na siya sa bahay. Magluluto na sana ako ng agahan nang makita ko note niya sa ref.

        My Jerie, (Aba my daw?! Talaga lang ah...)

Emergency sa sight. Umalis na ako. Enjoy your weekend.

Goodluck sa Monday sa work. I ll be back soon.

Mindy. :)

         Naisip ko, oo nga pala, Lunes na sa isang araw. Nine to seven hanggang Thursday.

        Nag init ako ng tubig at naglakbay ulit ang diwa ko. Galing Antipolo, lumuwas ng Manila tapos umalis ulit?
Feeler ka naman na gusto ka niyang makita? Emergency nga sa site diba? Inner mind, umeepal na naman.

       Sinagot ko nga: Bakit? Ano assurance ko na sa site siya pupunta? Eh kagabi lang, parang namimilit yung Wanda?

         Bakit ba gano'n? Sa simpleng note lang ni Mindy, tumatalon na ang puso ko. Hay! ( Senti ka lang ). Kailangan ko bang pigilan ang nagiging epekto niya sa akin.

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon