Chapter 24: Monster

5.9K 173 0
                                    

MinDY's POV:

     BUMITAW  na ako kay Jerie kahit hirap na hirap ang kalooban kong kumalas at pakawalan siya.  Ayokong mahirapan pa siya. Kahit hindi ko alam ang tunay niyang motibo, kailangan ko MUNA siyang palayain. 

       Tatlong araw na ang nakalipas. Nawalan ako ng inspirasyon. Tinurn over ko na ang last phase ng project sa Antipolo.  I told my dad to give me more time to unwind. Bumalik ako sa bahay namin sa Bel-Air. Nakahiga ako sa kama ko. Komportable pero sobrang empty ng pakiramdam ko.Mababaliw ako kung sa apartment sa San Andres ako tutuloy. Nando'n lahat ang ala-ala ni Jerie. Bawat kanto, bawat sulok. Nakikita ko siyang nakaupo sa sofa, nanood ng tv tas ngingiti sa akin at yayakap sa tuwing dumarating ako.

       Hinihintay niya ako kahit ano'ng oras ako dumating. Namimiss ko si Jerie sa kusina kung saan ang sexy niyang nagluluto at sabay kaming kakain. 

       Namimiss ko 'yung mga simpleng lambingan namin at panakaw na halik.  Nasa stage na kung saan unti-unti kong binubuksan muli ang sarili ko sa iba, para magmahal at mahalin. 

          My fault, hinayaan ko ring mahulog siya. Saan lang, mahintay niya ako kapag naayos ko na ang lahat.

        Bumangon ako at naligo. Palabas na ako ng kuwarto ko nang mabungaran ko si Lola sa pasilyo. Ako sana ang pupuntahan niya.

         "Jasmin apo, tayo nang magmeryenda. Pinaluto ko ang pabrito mong ginataang munggo, halika."
        "Lola..." 
        "Halika na, tara sa hapag." 

         Wala akong nagawa kundi sumunod. Hinain ng kasambahay ang minindal. Ang bango! Natakam naman ako. Sunud-usnod akong sumubo nang magsalita si Lola. "Kamusta ang puso anak?" 

        Nag-angat ako ng tingin at umiling. Ayoko. Ayokong pag-usapan ang puso ko.

         "Noong huli tayong magkita ay nag-niningning ang mata mo? Ngayon nama'y napakalamlam. Nasasaktan ako sa apo kapag ganyan ka." 
        "Part of life Lola, ganu'n lang." 
        "Pero mukhang malalim?" 
        "Ayos lang po ako 'La." 
        "Hindi pa naghihilom ang luma mong sugat kung kaya't hindi ka niya naihahatid."
        "Nino?"
        "Nasa'n ang singsing?" 
        "Nasa jewelry box ko sa loob."
        "Isuot mo siya hija, ihahatid ka niya sa tamang tao." 

          Umiling iling ako, heto na naman sa history si Lola at ang magic na singsing ng angkan. Kung isusuot ko 'yon, maaalala ko lang si Jerie dahil isinuko niya 'yon sa amin matapos ang ilang taon. Bahagi ng singsing na 'yon si Jerie.

          "Okay po Lola," umoo na lang ako para huwag na niya akong kulitin. 

          Matapos kong kumain ay mabilis akong kumilos para makaalis. Ayaw kong abutan ako ng Mama at ni Papa. Sumakay na ako ng kotse at nagmaneho. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Drive lang ako ng drive.  Hanggang napadpad ako sa luma kong studio sa Quezon City. Pinark ko ang kotse sa tapat. Forty square meter lang ang binili kong property na' to. 

         Pumasok ako at nanibago sa lugar. Hindi na ito nalinis ulit ilang taon na ang nakalipas. Dito sa studio na ito nabuo ang pangarap ko, namin ni Carina. Naupo ako sa isang couch at komportableng sumandal. Hanggang  bumalik sa ala-ala ko ang lahat mag aanim na taon na ang nakalipas.

FLASHBACK:

     STRESS ako sa pamilya ko at sa trabaho kaya naisipan kong iinvite ang f*ckbuddy  ko na si Wanda.  Doon sa Splashmountain kung saan naganap ang kapangahasan kong halikan ang batam-batang si Jerie.

      Noong college ako, may isang babae akong minahal. Ang First love ko, si Portia. Siya rin ang babaeng unang nagsabing hindi ako marunong magmahal.Mahigpit daw ako masyado at possessive. Hindi ba't natural lang na ipagkait  ang taong mahal mo? Noong una, akala ko, hindi na ako makaka-move on hanggang duamting si Wanda.

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt