Chapter 28: Leading the way

5.8K 191 4
                                    

MINDY'S POV:

         I let myself free from my dark past. I am here now composing myself for Jerie. Gusto ko, pag humarap ako sa kanya ay buo na ko.

       I have something to offer not just me as me ....but a better me. 'Yung ako na maipagmamalaki niyang mahal niya.

         Sa namagitan sa aming dalawa, hindi na kailangan ang salitang mahal kita dahil alam kong ramdam namin pareho 'yon.

         Pinarenovate ko ang studio ko sa Fairview. Susundin ko ang payo ni Bamby na isunod na lang kung ano;ng hilig ni Jerie which is cooking and baking. Paano ko nga naman makakalimutan ang anino ni Carina kung lahat ng nasa paligid ko ay ang nag-uugnay patungkol sa kanya.

         Makakapaghintay naman ang photography ko, I can go back anytime I want pero ang ialay ang bagong buhay ko kay Jerie, 'yon ang mas mahalaga.

         Umuwi ang pamangkin ko sa pinsan na si Stacy mula sa America. Dalawang taon lang ang tanda ko sa kanya. Nasa Pilipinas siya for a vacation after four long years. Eksakto naman na busy si Bamby kaya hindi ko na siya nakakasama.

        Luckily, Stacy is an interior decorator abroad. She's the one helping me sa pag sasaayos ng studio ko. Wala akong hilig sa pag-aayos ng bahay at wala akong kaalam-alam sa mga klase ng materyales.

        One time napunta kami sa Rss Tiles dahil nirefer ng Ninong Rigor. Kumbakit may nafeel akong kakaiba pagtuntong ko sa tindahan. Naalala ko pang kapit-tuko sa akin sa Stacy at parang ewan na akala mo miss na miss ako.

         Mabilis gumalaw dahil sa pera. Given na 'yon. Hindi kasi ako dapat magpapatay-patay dahil baka mainip na ang mahal ko kakaantay sa akin. Natapos ang renovation ng studio. Nagsimula akong kumausap ng mga taong tutulong sa akin para sa sisimulan kong business.

        Umattend ako ng mga seminars para maacredit ako sa business na tatahakin ko. Wala akong nilagpasan ultimo mga business permit ay ako ang nag asikaso.

      Isang hapon ay lumabas ako ng kalsada. Kinuha ko ang camera ko at kinunan ang kabuuan ng bago kong business. Ito ang ireregalo ko kay Jerie once tanggapin na niya ang pag-ibig ko. Eh pano pala kung hindi? Eh di..think positive! ;)

         Pansamatala ay iniwan ko muna ang pending business ko. Bilang ganti naman sa tatay ko, ay tinapos ko ang role ko sa project sa Antipolo. Umuuwi pa rin ako sa Singalong.
Nandito kasi ang ala-ala namini ni Jerie kaya dito muna ako mananatili. Kahit namimiss ko siya at laging naaalala. Pero alam ko, matapos ang sandaling pagsasakripisyo, makakamtan ko din ang kaligayahan. Nararamdaman ko 'yon.

        Humiga ako sa kama at binalikan lahat ng memories namin ni Jerie. Haaay, namimiss ko na talaga siya. Konting-konti na lang. Tsaka na ako magpapaliwanag kung magkita na kami. Nilaru-laro ko sa daliri ko ang singsing na bigay ng Lola.

        Dito sa singsing na 'ito nagsimula ang lahat. Weird man, pero alam kong may kakayahan ito para sa lalong madaling panahon ay magkaro'n na ako ng happy ending. Isang desisiyon ang nabuo sa isip ko na panahon pa sana ang hihintayin ko. But I can't wait that long.

        I got up and called Bamby. "Bam hello! Busy ka pa ba?"

        "Oh yes dear! Kamustasa? Busy-busy-han ka no?"
        "Bam...samahan mo naman ako."
        "Saan?"
        "Sa Bohol, kina Jerie."
        "Naku Dear, two weeks pa rito sa Pilipinas ang mga relatives ko."
        "That's too long. I am dying to see her."
         "Mukha nga. Sorry girl, di talaga ako puwede. Si Stacy na lang kaya tas itour mo na rin, mas masaysa pa."

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang