Epilogue: AWIT NG PAG-IBIG

10.9K 273 73
                                    

MINDY'S POV:

      "Bam, ano? Ako ba susundo sa NAIA kay Jerie o ikaw?"
      "Ewan ko sa 'yo, all is settled naman dito. O kaya sige ako na lang ang susundo para makapag-ready ka pa. ‘Yung speech mo, baka mautal ka mamaya."
       "O sige, sige, ikaw na lang. irereview ko ulit mga kailangan dito."

        Ang studio ko dati dito sa Quezon City noong kasama ko pa si Carina ay pina-renovate ko. Ito ang pinagka-abalahan ko sa nakalipas na tatlong buwan.

      Ginawa ko siyang resto bar kung saan puwedeng i-practice ni Jerie ang galing niya sa pagluluto. Isa ito sa pangrap niya, ang mapatikim ang mga pamatay niyang recipes. Alam kong ito rin ang business na gusto niya kaso ay hindi niya magawa dahil sa mga existing business na pinamana ng namayapa niyang tita.

       May pinsan akong kasosyo na member ng isang banda kaya't siya ang nag-suggest na maglagay ng mini-stage at may alternate na bandang puwedeng tumugtog. I accepted his suggestion. Taking risk is fine with me. This is my surprise to my love. Kung may GERRY' GRILL, mero'n naman akong JERIE'S RESTO BAR. Soft opening ngayon nito at masayang-masaya ako. Ang presensiya ni Jerie ang  makakapag-kumpleto nito.

      "Bam! How many hours left for me?" sabi ko sa knaya habang pareho kami sa kitchen at kinakausap ang ilang cook.

      "Two hours pa dear. Labas ka muna, may naghahanap sa 'yo."
      "Ha? Sino? Wala na tayong inaantay diba?"
      "Basta lumabas ka na lang."
      Tinali ko muna lahat ang buhok ko bago lumabas. Tumalon ang puso ko ng makita ang magulang ko at si….Lola! Nakaupo sila sa isang sulok at nilapitan ko agad. "Pa!!"

      I hugged my Papa. Tagal ko din kasing hindi umuwi sa amin at hindi nila alam ito. Nakita nilang nagtataka ako.
      "Bambi informed us, intentionally. I am proud of you anak! Very!" nakita ko an sinseridad sa tatay ko pero ang ikinaiyak ko ay ang presence ni Mama.

      "I heard that someone special is coming today. I hope I could meet her but our flight to Europe can not permit it tonight," Mama said as she held my hand.
      "We may not be open o each other and do not bond as a normal mother-daughter does, but I hope you know anak na proud ako sa 'yo at mahal kita."
      I hugged her tight. "Thank you Ma, mahal din kita. Yes, I hope you could meet her. Dahil sa kanya ang lahat ng ito."

     "I know baby, I know."
      "Marami pang time Ma right?"
     "Oh yes, when we come back, lets' have dinner sa bahay okay? We just dropped by to say that we are proud of you. We asked nothing but your happiness."
      "Thank you Ma."
     "Oh tama na ang drama, saan ba ako pupuwesto mamaya?" singit ng Lola.
     "Lola…"
     "Seryoso ako, sinabi ko na kay Liam na tumugtog ng Swing at Chacha mamaya."

Sabay-sabay din silang umalis. Sobrang saya ko!

      "How do you find it?" lumingon ako at bigla kong niyakap si Bambi.

Tuluyan na akong napaiyak. "Thank you…." the only words I've said.

      "Gusto ko lang maging ganap ang kasiyahan mo Jasmin. Pareho kayo ni Jerie na mabigat ang napagdaanan at kung makakaya kong tulungan kayo sa maliit na paraan, gagawin ko bilang kaibigan."

      "Salamat, sobra.."

      "Oh huwag ka ng umiyak. Alis na ako in an hour prepare yourself."

      Tables, chairs, sound system, band, food, balloons, mic, props check!!! Nagpunta muna ako ng powder room hanggang tumawag na ni BA, na kasama na niya si Jerie. Oh my! Kumabog ng husto ang puso ko.

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon