Chapter 31: Sweet Flowers

5.9K 183 2
                                    

JERIE'S POV:

       KUMAKABA ang dibdib ko ngayong dalawa na lang kami ni Mindy sa opisina. Malamig naman ang aircon pero parang pinag-papawisan lahat ng singit ko, kili-kili ko, kamay ko, lahat na.

     Instinct na dapat ay yakapin ko siya dahil lagpas dalawang buwan kaming hindi kami nagkita. Pero bumalik sa ala-ala ko ang babaeng lumilingkis  sa kanya sa Tiles shop sa Manila, si Carina. Siya rin ang babaeng kaharap ko kanina at nagtago pa sa pangalang Honey. Honey ni Mindy, kundi talagang nanunuya siya.  Bigla akong umismid at naalala kong galit nga pala ako.

          "So, bakit ka iniwan ng jowa mo? Hindi ka ba niya namiss?"
         "Ha?  A-anong jow…ah, oo. Baka sawa na sa akin."
         "Alam niya ba ang….never mind."
         "Ang alin?"
         "Never mind nga, so…dito niyo pa talaga napiling magliwaliw ha. At minalas-malas, dito pa kayo sa lugar ko napadpad?"
       "Jerie…ano muna 'yung sinasabi mo na alam niya ba? Alam niya bang ano?"

         Kinumpas ko ang kamay ko sa ere. "Ha! Ha! Wala 'yon, akala ko lang kasi, mayro'n tayo noon. Nag-assume lang ako. Maybe hindi, hindi alam ng babae mo ang tungkol sa akin. So, ano? Marami pa kasi akong gagawin."

        "Huwag kang ganyan Jerie dahil hindi ako ang umalis. Ikaw."
        "Pero dahil namatay ang Tita ko."
        "0o, isa 'yon pero may iba pa."

       Nahirapan akong lumunok bago sumagot. "This is non-sense Mindy, you can go now. I'm a busy person. Mabuhay na lang tayo ng parang ngayon lang nagka-kilala. Let's move on, may kanya-kanya na tayong buhay."

        Tumayo si Mindy. "Oh yeah? Busy? Ow…yeah busy…." sarkastiko niyang sagot. Siya pa may ganang maging sarcastic ha. Nakita ko sa mata niyang parang may gusto siyang sabihin pero hindi maisip kung paano. Parang pareho kami ng nararamdaman.

      Lumakad siya papunta sa akin at umatras naman ako. Akmang hahawakan niya ako sa braso pero umilag ako. Magsama sila ng Carina na 'yon!!!

         "Huli na ba ako Jeorgia?"
         "Ano?! Ano'ng huli?"
         "Mahal mo na ba siya?"

          Ano ba'ng pinagsasasabi ng babaeng ito? Sinong mahal? Eh siya lang naman ang mahal ko. Sasagot na sana ako ng mgasalita siyang muli.

         "Kaya ka busy? Dahil sa kasal niyo? Sino sya Jerie, sino siya? Mahal mo ba talaga siya?"

        Kumunot ang noo ko at binalikan ang nangyari kanina. Oh my! Narinig nya ang usapan namin ni Berna, ang pinsan ni Mavick na kababata ko.
Galing siyang States at sumaglit lang sa talyer para makita ako. Wedding ni Mavick ang pinag-uusapan namin at isa ako sa mga tumutulong. Inakala niyang kasal ko ang narinig niya. Paano na? Pero sige, paninindigan ko muna 'to.

       "Oo naman, bakit hindi? K-kung walang alinlangan naman na mahal niya ako."

        Parang dumilim ang mukha ni Mindy? Bakit? Hindi pa ba sapat si Carina sa kanya? Kung aamin akong hindi ako ang ikakasal, nagmukha naman akong kaawa-awa sa harap niya. Ito siyang bakasiyonista kasama si Carina samantalang ako ay patuloy siyang hinihintay at minamahal kahit hindi ko siya nakikita?

       "Mahal ka niya, pero mahal mo ba siya?"
       "Hindi na importante 'yon."
       "Mahal mo ba siya Jeorgia Laurice?"
       "Ano bang pakialam mo kung mahal ko o hinde?! Obligasyon ko bang ipaliwanag sa 'yo?"

          Mula sa pagtitig niya sa akin ay bumaba ang tingin niya at nakita kong pinahid ng kamay niya ang isang gilid ng mata niya. Bakit naman siya iiyak? At siya pa sa lagay na 'yon ha? Ako na nagamit panakip-butas, ako na ang umasa, siya pa iiyak?

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon