Chapter 21: 30 Seconds

6.1K 200 6
                                    

MINDY'S POV:

        AFTER may mamagitang halik sa amin ni Jerie ay nagulo na ng tuluyan ang sistema ko. Hindi ako makapg commit pero alam kong hindi ibig sabihing gumanti siya ng halik ay akin na siya.

         Ang relasyon namin dapat ay propesyonal pero hindi gano'n ang nangyayari. I consult things to Bambi when I called her up. Nataranta kasi ako. Pero ang gulo. Dapat...dapat galit siya. Pero hindi, sinabayan niya ang pagiging pormal ko.

        Hindi kami pero nagseselos ako nang makipag kita siya kay Auee. Kahit friend nya lang 'yon..nagseselos ako. Ayaw kong may iba siyang kasama.

        Hindi ko maamin ng tapat kay Jerie na ang lahat ng pagtanggap ko ng trabaho, ang kapalit ay ang kaalwahan niya.

        Nang umalis siya at nag mall ni Auee...gustung-gusto ko na siyang itext at kulitin pero hindi. Naging matagumpay ako sa pagpipigil sa sarili ko. DAHIL AYOKO NG MAULIT ANG DATI, ANG DATING AKO.

        Ayokong mairita, makulitan o makunsumi sa akin si Jerie, dahil mahal ko siya. Ayokong iwan niya ako sa kahit anong paraan.

         Pagdating sa dining ay kumuha ng dalawang platito si Jerie. Biglang balik sa dating niyang mood na parang naiinis. Pinagmasdan ko lang siya habang humihiwa ng cake. Naaaliw ako sa kanya.

        "Huwag mo akong titigan no! Baka mauna pa ko sa icing matunaw dyan!" pataray na singhal ni Jerie.

        "Sige lang Jer, mag sungit ka lang. Gusto ko ang masungit ka," kunyaring seryoso kong sabi. Sinubuan niya ako ng maliit na slice.

        "At bakit naman aber?!"

        Oh diba, nakakatuwa lang. Nagmama-sweet siya pero mataray pa rin?

       "Eh siyempre, papanigt ka pag masungit ka. So, wala ng mahuhumaling pa sa 'yo, ako lang," sagot ko sabay kindat.

          Sinubuan niya ako ulit ng cake, pero nahalata kong nag blush siya.

          "Kumain ka na lang puwede ba? Nang mahimasmasan ka naman girl!"

         Tinikom niya ang bibig niya  nang aktong ako naman ang susubo ng cake sa kanya.

        "Ayaw," iiling-iling pa niya na akala mo parang batang ayaw uminom ng gamot.

       "Subo na.."
       "Ayaw sabi eh!"
       "Bakit ba? Sa'n ka ba naiinis?"
       "Ewan ko sa 'yo!"

        Bigla siyang tumalikod at iniwan akong tulala sa kusina. Niligpit ko ang cake at nilagay sa ref. Pero kumuha pa ako ng icing sa gilid at sinubo sa bibig ko. Yummy!

        Sinundan ko siya sa kuwarto niya. Buti na lang hindi nag inarte at hindi nilock ang pinto.

        "Jeorgia Laurice!! Ano pinagmamaktol mo ba kase?"

         Kinuha niya ang mga nakatiklop kong damit sa ibabaw ng kama niya. Hinango at finold niya 'yun before siya umalis.

        "Ihahatid ko na sa kuwarto mo 'to, pagod na ko Mindy, I wanna rest."

        Hinarang ko ang katawan ko sa pinto para hindi siya makalabas.

         "Sabihin mo muna kung bakit ka ganyan, please?"
        "Para saan pa? Wala ka namang pakialam?"

        Kinuha ko ang mga damit na hawak niya at pinatong sa tokador.

       "Ako?"
       "Hindi...ako! O kaya si Bam. Eh sino bang kausap ko? Diba ikaw?"
        "Jeorgia ha! Ang sakit mong magsalita na wala akong pakialam sa 'yo, alam mong hindi totoo 'yan!"

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Where stories live. Discover now