Chapter 6: Birthday Kiss

8.6K 242 5
                                    

JERIE'S POV:

TUESDAY kinabukasan, ay dating gawi. Sinundo nya ako sa condo at hinatid sa Rufino, Makati.

"Ah... Mindy, half day lang ako ngayon, may check up kasi ako sa Maxicare, para sa therapy ko."
"Okay, wala naman akong lakad, puwede kitang samahan."
"Naku huwag na, sobra ng abala 'yun."
"Okay."

Pagbaba ko ng kotse sa parking ay hindi tuminag si Mindy. Nanibago ako.

"Ahmmn...Jerie..." Yumuko ako para tingnan siya.

"Yes?"
"Have a nice day, text me lang."
"O-okay."

Marahan kong sinara ang kotse. Bago sumakay ng elevator sa basement ay natanaw kong lumabas ng car si Mindy at may tinawagan sa telepono. Napangiwi ako. Pagpasok ko ng elevator ay nasa isip ko si Mindy. Sino kayang kausap no'n? I asked myself, bakit ba ako nagsisimulang maging interesado sa mga lakad niya?

Sa opisina ay naging busy ako. Six months proby ako kaya kailangan kong pagbutihin para maregular.
11:30 nagtext si Mindy. As usual, tumibok ang puso at napangiti ako.

"Ma cherie, can I have lunch with you?"
"Y?" - maikli kong reply.
"Okay wag na."

Hala! Mukhang nagtampo ata? Umalis ako sa cubicle ko at nag paalam na magccr. I dialled her number at sinagot nya agad.

"Anong drama mo Jasmin?"
"O bakit ka tumawag?"
"Nakakainis ka!"
"O anong ginawa ko? Sabi ko lunch tayo, sabi mo ayaw mo?"
"Sinabi ko bang ayaw ko? Basahin mo nga kaya ulet?"
"Okay, bumaba ka na, nandito na ko sa parking.Bilisan mo, ten minutes lang ah!"
"Demanding, okay okay po."

I ended the call with a smile. Ibang klase dating nito ni Mindy. Cute ang pagkademanding. Paglabas ko ng office ay nakasabay ko si Sean sa elevator.

"Lunch out?" bati nya.
"Yes sir, pero half day lang din kasi may check up po."
"So, hows your knee?"
"Getting better sir."
"Don't thank me Jeorgia, ako may kasalanan niyan."

Sabay kaming napunta sa basement. "Dito ka rin ba?" tanong niya.

"Ay yes sir, may kasama po akong kaibigan."

Ngumisi siya. "Hindi boyfriend?"

"Ay hindi po"
"Okay sabi mo eh. Saan ba nakapark kayo?"

Tinuro ko ang kinaroroonan ni Mindy. Sumabay sa akin si Sean. Isang kotse lang pala ang pagitan namin.

"Okay, ingat kayo.Kamusta mo ako kay Dr. Amir."
"Okay Sir," sagot ko habang inantay kong makasakay siya sa loob.

Tumapat ako sa kotse ni Mindy. Kumaway ako. Click! Na unlock ang pinto at pumasok ako. Naamoy ko ang bango ni Mindy. Nang maging komportable na ang upo ko, saka ako bumaling sa kanya.

"Hi!"
"Pinopormahan ka ba nung boss mo?"
"Hindi ko nga boss 'yon."
"Oh nung lalaking yun?"
"Hinde!"
"Mukhang type ka eh, type mo?"
"Meghed Mindy! Tanghaling tapat, huwag mo ng dagdagan ang init okay?!"
"Nililinaw ko lang."
"Sus! ikaw yata ang may type do'n eh, gusto mo ilakad kita?"

Pinaandar na nya ang kotse. Medyo nasilaw pa ako paglabas ng building.

"Hindi ko type si Tisoy mo, mayron na ako. May shades akong extra sa likod, pakikuha na lang para di ka masilaw."

Nagtataka man pero parang kinurot ang puso ko ng sabihin niyang mayron na raw siya....na? Karelasyon natural! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Where stories live. Discover now