Chapter 20: Freed

7.1K 184 2
                                    

JEORGIA LAURICE' POV:

       NAGMAMADALI akong pumunta ng Cr. Bigla akong nahiya. Shit...gumanti ako ng halik. 'Yung feeling na akala ko, makalipas ang ilang araw na hindi regular ang pagkikita namin ay magfe-fade din ang kaba ng puso ko, pero hindi.

         Miss na miss ko si Mindy, sobra. Masaya ako kapag nakikita ko siya, kapag kasama ko siya. Naiinis naman ako kay Mina, kay Wanda na umaaligid sa kanya. Alam kong hindi ordinaryong selos kaibigan lang ang nararamdaman ko.

         Humarap ako sa salamin at hinaplos ang medyo namaga kong labi. Masarap, masarap ang kanyang halik. Inayos ko ang gulu-gulo kong buhok. Inipon kong lahat at nilagay sa balikat ko.

         Gusto ba ako ni Mindy? Mahal ko na nga ba siya? Kung hindi'y bakit ganito mag alburoto ang dibdib ko, hindi lang sa tuwing nakikita ko siya kundi kahit titig lang at boses ay nagiging abnormal ang tibok ng puso ko? Na ang mayakap siya at mahalikan siya ang tanging paraan para kumalma ako?

         I looked at my eyes' reflections in the mirror.
        "Jeorgia, paano na ang panata mong mag-isa? Ang hindi magmahal dahil hindi nararapat? Diba't ang huwag magmahal ang makakapag palaya sa 'yo sa guilt dahil sa pagkamatay ng magulang at kapatid mo? Pigilan mo hangga't maaga?"

         Yumuko ako at napaiyak. Tinanggap ko na ang katotohanang hindi ako maaaring magmahal dahil kumuha ako ng tatlong buhay. Inangat kong muli ang mukha ko. "Pero hanggang kailan ko pagbabayaran?"

Tok! Tok! Tok!

        "Jerie...." tok!tok! "Are you okay there? C'mon, it's just a kiss, don't bother. Halika na, labas na dyan."

         "O-oo saglit lang," sigaw ko.

         Kinausap ko ulit ang sarili ko sa harap ng salamin. "See? Para sa kanya, it's just a kiss? Nothing more, nothing less. Walang kabuluhan ang lahat ng ito, bullsh*t!!"

         Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako. Nakasandal sa pader si Mindy at inaantay akong lumabas.

         "Jer I'm sorry! Namiss lang kita."
         "Okay lang, ganyan lang siguro natin mamiss ang isa't isa," sabi ko sabay lumakad pabalik ng silid ko.

          Tumihaya ako sa kama at pumikit. Hindi pa ako puwedeng umalis dito, malaki ang utang ko kay Mindy. Kung pumayag na lang siguro akong pabayarin 'yung alahas, may pera na sana ako. Taya kaya ko sa lotto? Haaay!

         Bumangon ako at naligo. Maglalaba pa pala ako at magluluto ng pananghalian. Matapos maligo ay pumunta ako sa may kitchen at inayos ang mga damit na lalabhan ko.

        Nadatnan ko siyang nag yoyoga sa salas. She takes care well of her health, at sexy nga talaga siya. Pumitlag ang puso ko ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya. She smiled at me at tipid din akong ngumiti. Siguro nga, I am just one of those girls na nahuhumaling sa kanya. Na pareho lang effect. Ako naman itong si gaga, nagpapa-anod sa emosyon.

        Matapos kong maglaba at magluto ng lunch, nanatili lang si Mindy sa salas. Hay, mas gusto kong huwag na lang sana siyang nakikita ko dahil bigla akong nailang. Nagpahinga ako saglit sa kuwarto ko. Ilang minuto ng kumatok siya.

         "Jher, kain na tayo. Masarap 'yung niluto mong kaldereta."

       Sa isang parte ko, bigla akong nalungkot sa pagiging pormal niya.

         "Sige, susunod na ako, pahinga lang," sagot ko.
         "Sorry ha, hindi kita natulungan kasi alam mo na, wala akong alam sa gawaing bahay."
         "Trabaho ko 'yon, sige na susunod na ako, three minutes."

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon