Chapter 19: Kiliti

7.1K 195 0
                                    


MINDY'S POV:

        Pinagbigyan ko na si Wanda na ihatid siya sa airport. Hindi na ako umuwi sa Antipolo at pilit kong tinapos ang deadline sa opisina. Pinili kong umuwi sa Manila at hindi ko sinabi kay Jerie.

        Tulog naman na talaga ako ng maulinigan ko ang paghinto ng taxi sa harap ng apartment. Akala ko pa naman ay tulog na si Jerie sa kuwarto niya. Pagtingin ko relos ay madaling araw na. Bumangon ako at tiningnan ang tao sa labas through the window.

          I saw Jerie with her officemate then I hid first sa may kitchen. Inobserbahan ko sila. Mukha ngang tipsy na sila pareho. Gumimik pala ang bruha.

        "Magpahinga na kayo, kung kayo walang pasok - ako mero'n bukas," pairita kong sagot. Naiinis kasi ako sa ayos ng Auee na 'yon.

        "Mauna ka na Mindy, ako na mag hatid kay Au sa room, sunod na lang ako sa 'yo," Jerie humbly stated.

        "Hinde...ikaw na mauna na pumasok sa room ko. Ako na maghahatid sa kanya. Auee, halika."

         Binuksan ko ang pinto pagdating namin sa tapat ng kuwarto.
"Hahatiran na lang kita ng malinis na damit."

        Bumalik ako sa kuwarto ko at nakita kong naghuhubad ng blouse si Jerie. Bigla niyang tinakpan ang dibdib niya ng makita niya akong nakapasok.

         "Puwedeng kumatok," at inismiran niya ako.
       "Una, kuwarto ko 'to, pangalawa babae rin ako. Arte mo. Nasa'n 'yung mga iba kong damit at 'yung bwisita mo pagpapalitin ko ng damit, baka magkasakit, kasalanan ko pa."

         Sumagot si Jerie habang sinusuot naman ang malinis at manipis niyang pantulog.

          "Nandiyan sa unang drawer. Tiniklop ko lang pero di ko pa po nasosort. Paki na lang."

        Kumuha ako ng walking shorts at maluwag na t-shirt. Binigay ko kay Auee sa kabilang kuwarto tsaka bumalik ulit ng room ko.

           Tumabi ako kay Jerie sa kama na nakahiga ng patagilid. Natatawa ako na naiinis na ewan. Namiss ko siya at gustung-gusto ko na siyang sunggaban at yakapin. Pinikit ko na ang mata ko pero hindi ako makatulog. Tsk, naudlot na 'yung antok ko.

          "Hindi ka makatulog?" mahinang tanong ni Jerie.
       "Huwag mo na akong intindihin, matulog ka na, alas kuwatro na yata."
        "Nawala antok ko sa kasungitan mo. Bakit ba ganu'n ka kay Auee? Naawa lang ako, ayaw daw umuwi sa bahay nila."
         "Nasa gimikan ka pala kaya nakalimutan mo akong itext."
         "Ha?"
         "Wala ... kalimutan mo na 'yung sinabi ko."
        "Mindy what's wrong?"

        Tumagilid na rin ako paharap sa kanya. Kahit lampshade lang ang ilaw sa kuwarto ay aninag ko ang maamong mukha ni Jerie. Para sa kanya kumbakit biglang nabago ang buhay ko ngayon. Dahil sa kanya kaya may nababago sa pagkatao ko, at sa puso ko.

       "Wala....pagod lang ako. Sige na matulog na tayo."

        Napapikit ako ng maramdaman ko ang sidhi ng titig niya sa akin. Hinaplos ni Jerie ang left cheek ko. It felt good the way she brushes her fingers on my skin.

        "Masaya ako Mindy na katabi kita matulog ngayon. Namiss kitang sobra."

       Kusang kumawit ang braso ko sa beywang niya at nahapit ko siya papunta sa akin. Hinalikan ko ang noo niya. "Namiss rin naman kita, sleep ka na."

        Sa sobrang pagod ay hindi ko na alam kung sino ang nauna sa aming nakatulog. Kinabukasan, maaga akong nagising. Ambabaw lang naman kasi ng tulog ko. Pagmulat ko ay nakaramdam ako ng init. Nakayakap ang mga binti ni Jerie sa hita ko, ang braso niya sa tyan ko at nakaunan siya sa braso ko. Her warm breath is fanning against the side of my neck. Parang literal na ako ang ginawa niyang hotdog pillow.

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Where stories live. Discover now