Chapter 29: Here with you

5.8K 181 9
                                    


MINDY'S POV:

        Latang-lata akong bumagsak sa kama. Nagcheck-in kami sa Vest Grand Suites. Gusto kong ma-relax!
Gumulong ako padapa sa kama, kumuha ng isang unan, sumubsob ako tsaka sumigaw.

          "Aaaaaarrggghhhhh!!!!"

          "Huy!" Saway ni Stacy. Alam mo 'yung gusto mong maiyak sa inis pero wala kang mailabas na luha?

         "Baka akalain sa ibang kuwarto may nakapasok na sirena dito no! Tumigil ka nga. Tanga mo kasi!"

         "Oo na, tanga na! Buwisit!"
         "Ano'ng plano mo ngayon? Ayokong magmukmok dito ah!"

          Tumihaya na ako at nilagay ang isang braso sa noo ko, nakatingin sa kisame.

         "Nag-iisip?"
         "Oo, kaya manahimik ka…."

         "Haay! Mukhang hindi totoo ang powers ng singsing. Hahhaha!!! Nawala eh. Lagot ka kay lola mo."

         Bumangon ako at kinuha ang cellphone ko. "Magpahinga ka muna ng maaga Stacy then maaga tayo bukas lalakad. Tatawagan ko lang si Ninong Rigor para sa adddress nila Jerie."

           "Uy! Naisip mo pa 'yun?"
           "Kaya nga nag-iisip eh. Wala ng sukuan 'to."

           Bago ko tinawagan ang ninong ay may nakaready na akong papel. Natatawa-tawa lang ang ninong sa akin. Akala niya siguro hindi ako seryoso kay Jerie.

         "Oh Stace, paki kuhaan nga  ng picture 'tong sinulat ko. Tapos, bukod sa gallery mo, isend mo sa email mo para may back-up. Para kung ikaw ang mawala, d'yan ka lang pupunta, nandyan ako."

           "Ang OA mo talaga, akin na na nga! Kung di lang dahil sa truelove, pakialam ko sa 'yo! Sus! Akina!"

            Ganu'n din ang ginawa ko sa pagsave. "Buti na 'yung sigurado."
           "Eh pa'no 'yung singsing? Ganun na lang?"
            "Oo nga eh, daig pa tumama sa lotto ng magnanakaw na  'yon!"

   
        Kinabukasan ay tanghali na kami nagising. Buti at naka-abot pa kami sa breakfast buffet. Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasan na hindi mamiss si Jerie. 'Yung every morning na may ready ng agahan, tapos malambing nya akong gigisingin at may goodmorning kiss.

          "Nagrereminisce ka na naman Inday! You're smiling no!"
          "Wala, naalala ko lang siya. Masarap magluto 'yon tsaka yung signature coffee niya, ay naku panalo."
         "You're definitely inlove Jasmin! Ang mga mata mo naku, kumukuti-kutitap."
        "O naman. Wala ako rito kung hindi ako inlove."
        "So pa'no tayo pupunta sa bahay niya?"
         "Cab?"
         "I wanna drive, let's rent."
         "Oh..... adventure?"
         "Yah joyride."
         "Siguro kahit mamaya na, pagod pa ako."
          "O sige, ako na lang muna."
          "Baka mawala ka?"
          "Sus! May mapa, at may dila para magtanong. May mata para bumasa."

         Pagbalik sa room namin ay nagbukas ako ng laptop ko. Nag-update ako sa status ng ilang proposals ng mga supplier ko para sa bubuksan kong business. I also called up Papa and lola. No care naman si Mama kaya hinayaan ko na lang.

         Nirequest ko na lang kay Ninong Rigor na huwag ng sabihin muna sa Papa ang nangyaring pagka-wala ng heirloom. Pagod na pagod ako kaya hinayaan ko na lang si Stacy magliwaliw. Nakakaantok ang panahon dito sa Bohol. Tuluyan na akong tinangay ng antok at nakatulog. Mag-aalas dose ng magising ako sa walang humpay na tunog ng call sa cp ko.

         "Yes?!" Unknown number kasi.
         "Mindy!!!"
         "Stace?"
         "Oo, magdedemanda ako. Buwisit 'tong kotse, despelinghado. Hindi ko alam anyare dito, ayaw ng umandar."
         "Wala ka bang alam sa kotse?"
         "Wala! Basta nagda-drive ako,' yun lang! Kahit ano pa idikta mo para umandar, hindi ko 'yan maiintindihan!"
          "Puwede ba! Sumasakit lalo ulo ko sa 'yo eh. Nasa'n ka ba?"
          "Ewan ko!"
          "Pa'no kita matutulungan kung ewan mo? Stacy naman! Magtanong ka, sige na. Eh kanino ba 'yang gamit mong phone?"
          "Akin, spare ko 'to."
          "Wow! Now you're thinking! Hahahah!!!"
           "O sige na, text m kung nasa'n ka at pupuntahan kita. Mag-hanap ka ng tindahan o magtanong kung sino'ng makadaan dyan. Tsaka…..manalangin ka."
           "Tse!"

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Where stories live. Discover now