Chapter 1

10.3K 240 2
                                    

Lymara's POV

Halos inubos ko na ang volume ng stereo sa loob ng aking kwarto.Nakatihaya ako ngayon sa ibabaw ng aking kama habang tulala na nakatitig sa kisame.

Ganyan ako sa bahay..wala akong pakialam sa mga taong nakapaligid sa akin.

Kung trip kong gawing disco house ang loob ng aking kwarto ay wala silang magagawa.

Kwarto ko ito..kaya walang makapagpigil sa anumang gustuhin kong gawin.

*knocked*knocked*

Inis akong pinagbuksan ang istorbo sa labas ng aking pintuan.

Pagbuksan ko lang naman sana para singhalan pero....

"Ate,may phone call ka!bakit ba kasi kung saan-saan mo tinatapon yang cell phone mo?kairita!argh!"

Mabuti nalang at maagap kong nasalo ang cell phone ko na agad nyang tinapon sa harapan ko.

Si Lyrane iyon..ang kapatid ko na syang sumunod sa akin.

Alam kong inis na ang isang iyon sa akin dahil nabibingi na siguro sa lakas ng music na nagmumula dito sa aking kwarto.

Take note kasi hindi naman sound proof itong silid ko eh..haha.

Agad ko ng isinara ang pintuan at hininaan ang stereo para makausap ang aking caller.

Si Vander lang naman pala.

Hindi pa nga ako nakapag-hello nang....

'Lymara,where are you?'

"Nasa bahay,bakit?"makapagtanong naman ang isang ito nakakagulat!

'Punta ka ng amusement park ngayon din..Narinig kong kausap ni Vince si Riana sa cell phone  ngayon lang..magkikita daw sila sa amusement park.'napatigil ako buhat sa kanyang ibinalita.

"What?"

Hindi ko alam,kahit wala naman akong karapatan ay nakaramdam pa din ako ng selos kahit konti.

Mga bata pa kami ay patay na patay na ako kay Vince.Sya ang kakambal ni Vander.

Magkaibang-magkaiba kasi ang ugali ng dalawa..

Pareho naman silang guapo, aba syempre magkamukha sila,eh!pero si Vince kasi ay lamang sa pag-uugali.Mabait si Vince at masunurin..

Si Vander naman..argh!

Paano ko ba i-explain?

Hindi ko alam eh..kasi parang boy version ko sya..

Yeah!pareho kami..

Barumbada at barumbado,ang pinagkaiba nga lang namin..

Si Vander ay may pagka-arogante...mayaman kasi sila.

Pero bakit naman si Vince ay hindi arogante? Kaya nga sobrang like ko sya!

Ang masaklap...parehong nagkagusto sa iisang babae ang dalawa.

Kung ako ay patay na patay kay Vince..

Si Vander naman ay patay na patay kay Riana.

Ngunit..si Vince ang pinili ni Riana.

Kaya pareho kami ni Vander ngayon..parehong nasasaktan.

Patakbo akong lumabas ng bahay para tunguhin ang lumang pick-up truck ni Papa.Nanakawin ko na naman ito ngayon.

Mabuti nalang at wala pa si Papa...ligtas ako sa sermon.

Halos paliparin ko na ang pick-up truck sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko.

Expert kasi ako sa car racing...lagi akong sumasama sa mga race-race thing na yan.

Patago nga lamang...hindi pwedeng malaman ng pinakamamahal kong mga magulang.

Naku!kapag nalaman nila baka sa lansangan na ako pupulutin ngayon.

Na hindi naman pwedeng mangyari dahil sa kanila parin ako umaasa hanggang ngayon.Hindi ko pa kayang buhayin ang sarili ko.

Mabuti pa si Lyrane ay isa na syang accountant sa isang banko sa kasalukuyan. Kahit papano may maipagmamalaki na sya sa kanyang sarili kasi syempre sumasahod na sya.

Masipag si Lyrane...halos positive sa lahat ng bagay.Magkaibang-magkaiba ang pananaw namin sa buhay.

At yung bunso namin si Jayrane.Nasa second year highschool pa sya sa ngayon. Kaya may rason naman kung bakit obligado pa sya nina Mama at Papa dahil syempre kasalukuyan pa syang nag-aaral.

Halos fifteen minutes lang siguro ay narating ko na ang amusement park.

Pagkatapos kong i-park ang aking sasakyan ay bahagya na akong naglakad sa loob ng amusement park.

Palingon-lingon pa ako sa paligid nang bigla akong matigilan.Natanaw ko kasi kaagad si Vander.

But wait...

Is he's crying?

Marahan ko syang nilapitan..pero para din akong nabato sa kinatatayuan nang mabaling ang aking paningin sa direksyon na tinitingnan ni Vander.

Ang dalawang tao na dapat sana ay gawan namin ng paraan para maiwasan ang kanilang pagtatagpo sa araw na ito ay mahigpit na magkayakap.

At...

At...

Magkahalikan...

Huhu...

☆☆☆

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Where stories live. Discover now