Chapter 13

5.1K 193 2
                                    

"Kuya Vander?"Nakangiting bungad sa akin ni Jayrane.

"Halika Kuya,pasok ka..."

Niluwangan nito ang pag-awang ng gate para makapasok ako sa loob.

"Wala ka bang pasok ngayon Jayrane?"Tanong ko habang nakasunod sa kanya para pumasok sa loob ng bahay.

"Wala Kuya.."

Paghakbang ko pa lamang papasok sa pintuan ay halos italsik na akong pabalik sa labas gawa ng sobrang lakas ng tugtugin mula sa taas ng bahay.

"Ano yun?"Hindi ko maiwasan na hindi magtanong.

Napangisi lang sa akin si Jayrane.

"Sa kwarto yan ni Ate Lymara..ganyan yan kapag nandito sa loob ng bahay."

Napanatag ang aking kalooban dahil sa narinig.Mabuti naman at nasa bahay pala sya.

Pero takte..nakakabingi talaga!

Mabuti nalang at nasanay na siguro ang tainga ng ibang tao dito.

"Halika Kuya..dun tayo sa kusina,kumakain kasi ako kanina nang bigla kang mag-doorbell."

Napasunod naman ako sa kanya.

Nabungaran ko ang umuusok na noodles sa loob ng kaldero na nakapatong sa mesa.

"Ito lang ang pananghalian mo?"maang kong tanong.

"Gusto mo ba Kuya?wala kasing matinong pagkain dito sa bahay kapag ganitong oras..nasa work kasi lahat sina Papa,Mama at Ate Lyrane..so, magkakaroon lang kami ng perfect meal dito during dinner time."Mahaba nitong saad.

"Paano ang Ate Lymara mo?" Hindi ko naiwasang itanong.

"Hwag mong intindihin yun Kuya..nagsa-sandwich lang yun tapos buong araw magkukulong sa kwarto."

Kumuha sya ng isa pang pinggan at inilapag sa tapat ko.

"Maupo kana Kuya,samahan mo ako or nakapag-lunch kana?" Saglit nya akong nilingon.

Bigla yata akong ginutom nang makita ang umuusok na noodles sa loob ng kaldero.Agad akong pumwesto sa upuan na katapat ni Jayrane.

Sabagay mukhang masarap naman eh,matikman nga...

"Let's eat...kasi hindi pa din ako nakapananghalian."

Ganado akong kumain kasalo ang kapatid ng babaeng mahal ko.

Simpleng pagkain..

Simpleng buhay..

Pero masaya.

Ngayon palang ay kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na makihalubilo sa kanila.Para hindi na ako mahihirapan pagdating ng araw.

Ito ang buhay na gusto ko...ang maramdaman ang presensya ng isang pamilya.

Pagkatapos kumain ay naupo na kami sa carpet na sahig sa may living room.Nag-aya kasing maglaro ng chess si Jayrane na pinaunlakan ko naman.

Pero hindi ko parin maiwasan na hindi tapunan ng tingin yung taas ng hagdan.Nagbabaka-sakali ako na sana bumaba man lang si Lymara.

Hanggang sa hindi ko na napansin ang paglipas ng oras.Sobra yata akong nawili sa paglalaro ng chess.

Ang galing din kasi ni Jayrane eh,lagi nya akong natatalo.

Nagulantang kami nang biglang umingit ang pintuan.Inangat ko ang mukha at nakita ko ang Papa nila Lymara na kararating lamang galing sa trabaho.

"Jayrane,may bisita ka pala?"

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Where stories live. Discover now