Chapter 10

5.5K 185 1
                                    

Lymara's POV

Tulala parin akong nakahiga sa aking kama habang nakapatong sa dibdib ang isang kamay.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili.Alam kong may kakaiba...hindi ko lang matiyak kung ano.

Haissst...

Huminga ako ng malalim.Ilang araw na akong ginugulo ng mga alaala ni Vander.

Pero bakit?

Bakit ko sya naiisip?

Diba dapat si Vince ang laman ng aking utak?Kasi sya yung mahal ko,eh...

*knocked*knocked*

Naagaw ng malakas na katok sa pintuan ang aking atensyon.Tamad akong bumangon at tinungo ang pintuan ng aking silid.

"What?"Si Jayrane pala ang nasa labas.

"Ate,pinapababa tayo nina Mama at Papa..mayroon daw mahalagang pag-uusapan."

Saglit akong napaisip kasabay ang pagkunot ng aking noo.

Hmmm..its weird...

Kilala nila ako.Ako yung hindi mahilig makikipag-halubilo sa usapan.

Pero sa nangyayari ngayon,bigla akong nakaramdam ng kaba.

Masyado nga sigurong importante ang pag-uusapan kaya nagawa pa nila akong pababain.

"Okay,susunod na ako Jayrane..mauna kana sa baba."

Ilang saglit pa ang aking pinalipas bago ako bumaba.

Nadatnan kong tahimik ang lahat habang nakaupo sa di kalakihang living room namin.

Inisa-isa ko silang pinasadahan ng tingin.

Anong meron?

Napakaseryoso ng kanilang mukha at parang ang lungkot pa!

"Oh..Lymara,andito kana pala." Kuha ni Papa sa aking atensyon.

Tumango lang ako at marahang naupo sa katabing upuan na inuukopa ni Mama.

"Ngayon kompleto na tayo..maaari na natin simulan ang usapan." Panimula ni Mama.

Haissst!nakakatense..

Huminga muna ng malalim si Papa bago nagsalita.

"Natanggal ako sa trabaho.." kaagad na napahawak sa kanyang batok si Papa matapos isaliwalat iyon.

"What?"Chorus naming sambit nina Lyrane at Jayrane.

"Nagkaroon ng problema sa kompanya na pinapasukan ng Papa nyo..ang problema nadamay ang kanyang pangalan sa listahan na isa sa mga naglalabas ng pera mula sa kompanya."mahabang eksplenasyon ni Mama.

"Pero paano nangyari yun,Pa?"Hindi ko na natiis na sumabad sa usapan.

"Ginamit nila ang aking pangalan..."Si Papa ulit na halos hindi na makatitig sa akin ng deretso.

"At ang malaking problema dito..posibleng makukulong ang inyong Papa kapag hindi nya maisasauli ang halaga na nawala sa ilalim ng kanyang pangalan."Pagpapatuloy ni Mama.

Napapikit ako..kaya pala nadatnan kong umiinom si Papa ng gabing iyon.

"Hindi pa ako pwedeng makapag-loan,kamakailan lang ako nakapasok sa trabaho."Segunda kaagad ni Lyrane

"Hindi rin kakasya ang sahod ko...tamang-tama lang iyon para sa pang-araw-araw na pangangailangan natin." Nabaling naman kay Mama ang aking atensyon nang marinig ang kanyang sinabi.

Nakuyom ko ang aking kamao.

This time,lahat sila nakatingin sa akin.Hinihintay kung ano ang maisasabad ko sa usapan.

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Where stories live. Discover now