Chapter 4

6.3K 211 2
                                    

Natigilan ako nang marating ko ang nakaawang na pintuan sa may kusina.

Hahakbang na sana ako papasok..pero bakit ba para akong nahipnotismo nang matanaw ko si Vander?

He's wearing an white apron..habang abala sa paghihiwa ng sibuyas or something?I'm not sure..

Dumaloy ang aking paningin mula sa kanyang kamay,paakyat sa kanyang braso..patungo sa malapad nyang balikat..and i stopped to his handsome face.

Naging sunod-sunod ang aking paglunok..

Bakit napaka-sexy ni Vander sa aking paningin habang suot ang apron na yun?

He's really different now...

"Tama na ang pagtitig...baka ma-in love ka pa sa akin.."

Napakurap-kurap ako.

How did he know?argh!

I rolled my eyes sabay sabing...

"Asa ka pa!nakakapanibago lang kasi tsk!"

Tinungo ko ang isang dining chair na kung saan patagilid akong makaupo mula sa direksyon ni Vander.Hindi ko alam..pero parang iniiwasan kong mahagip sya ng aking tingin.

In-stretch ko ang aking mga binti..para kasing namanhid eh. Habang naka-stretch ang aking mga paa ay bigla ko na naman naalala yung painting.

Sabi nila...maaaring special daw yung mga memorable moment na pwedeng ipinta ng isang pintor.

So,memorable moment ba para kay Vander yung nagawa nya akong silipin noon?

Sa lahat ng memory...bakit yun pa? I almost a kid that time!

"Argh!"

Napalakas pala ang pagkakasabi ko sanhi para mapalingon sa akin si Vander.

"What?"maang nyang tanong.

"Nothing..."Balewala kong sagot.

Gustong-gusto kong itanong sa kanya ang tungkol dun..pero baka aasarin na naman nya ako. Kaya mas pinili kong manahimik na lamang.

Haisst..

"Mahal na mahal ka talaga ng family mo,ano?"Mayat-maya ay sabi nya.

"Bakit mo naitanong?"kunot-noo kong tanong.

"Kasi..hindi ka nila pinapagluto..buhay prinsesa ka sa bahay nyo,guess lang naman..."

"Hindi..talagang tamad lang ako." Pag-amin ko sa katotohanan.

Muli nya akong nilingon tapos napapailing. Hindi siguro naniniwala sa aking pag-amin.

"Hindi ka ba nagsasawa sa klase ng buhay mo?you should work..."

Ako naman ang napalingon sa kanya.

"Hindi ako nag-take ng board exam..."

Which it's true..

"What?akala ko ba hindi ka lang nakapasa..."gulat nyang saad.

"Nope..rason ko lang iyon kila Mama at Papa." Kita nyo na kung gaano ako ka-suwail na anak?

"But why,Lymara?" Hindi ko maintindihan kung bakit hinahayaan ko syang questionin ako!

"Iniisip ko lang na makakasama ko ang mga maiingay na studyante buong maghapon ay para na akong nasasakal..how much more na kung forever na akong nakatali doon sa school?" At hindi ko alam kung bakit nagbibigay ako ng paliwanag sa kanya.

"Bakit kasi education ang kinuha mong kurso?"

Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Dahil iyon ang kagustuhan ni Mama..kasi rason nya isa din syang teacher sa primary school."

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Where stories live. Discover now