Chapter 22

5.2K 211 2
                                    

Marahan ko ng tinulak ang pintuan ng silid pero hindi ko pa naisasara ang pintuan nang.....

"Saan ka galing Lymara?"

Nagulat ako nang mapagtantong nakaupo pala si Vander sa mahabang sofa ng silid.

"Sa kusina.."Maikli kong sagot.

"Lymara, pinaalalahanan lang kita na girlfriend ang pagkakilala ng pamilya ko sa'yo kaya pwede ba iwasan mong makipag-usap kay Vince?"

Alam nyang nakipagkwentuhan ako kay Vince?

"Ano ba ang mali dun Vander?"wala sa sariling tanong ko.

"Mali dahil nga girlfriend kita!"

"Eh,ikaw...hindi nga kita pinapakialaman na makipag-usap kay Riana samantalang girlfriend din yun ng kakambal mo!"sumbat ko sa kanya.

"Ibang usapan naman yung sa amin.."

"Ano ba ang pagkakaiba Vander?"

Haissst..lumabas nga ako kanina para sana magsorry sa kanya..nabadtrip na tuloy ako.

"Ilang minuto na akong naghihintay sa'yo dito pero ang tagal mong dumating.."

"Sinabi ko bang hintayin mo ako?okay...kasalanan ko na I'm sorry!"

"Lymara..."

Napalunok ako..naiiyak na ako promise.

"Bakit ba kailangan natin magsigawan pa Vander..kung pwede naman natin idaan sa mahinahong paraan..wala akong maintindihan,ano ba kasi ang gusto mong gawin ko?"

Tumayo sya at lumapit sa akin.

Huminga sya ng malalim bago nagsalita.

"Hindi ko alam,Lymie.."

"Lymie?sinong Lymie?" Mas lalong nadagdagan ang bigat ng aking kalooban.

"Ikaw,Lymara..ikaw ang Lymie na tinutukoy ko.."

"You never called me in that name.."diin ko sa kanyang sinabi.

"I did!noong mga bata pa tayo.."

Tinalikuran nya ako bago sya nagpatuloy sa pagsasalita.

"But you never recognize it..dahil okupado ni Vince ang utak mo.."

Napalunok ako...bakit parang nararamdaman ko ang bigat ng kalooban ni Vander habang nagsasalita sya?

Bahagya akong lumapit sa kanya.At bago pa ako nakapag-isip ng matino ay namalayan ko nalang ang aking sarili na yakap ko na sya mula sa kanyang likuran.

"I'm sorry...hindi ko alam."

I'm sorry dahil huli ko nang nalaman na ikaw pala ang sinisigaw nitong puso ko.

I'm sorry dahil minahal kita,Vander!

I'm sorry dahil hindi ko matatanggap na hindi ako ang babaeng kinababaliwan mo..

I'm sorry dahil hindi kita kayang kalimutan..

And I'm sorry dahil umaasa ako na sana ako nalang ang babaeng minamahal mo.


*

*

*

Sa field...

Dumating na ang araw na pinakahihintay ko..ang magho-horse back riding.

Kaharap ko na ngayon ang puting kabayo.

Kulay brown naman yung pinili ni Riana.

"Gusto mo nang sumampa sa ibabaw ng kabayo?"Tanong sa akin ni Vander.

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon