Chapter 7

5.5K 230 6
                                    

Lymara's POV

Kasalukuyang nakahiga pa ako sa aking kama.Iniisip ko kung saan na naman ako dadalhin ng aking mga paa sa araw na ito.

Napabalikwas ako ng bangon nang biglang mag-ring ang aking cell phone.Papa ni Vander ang tumatawag nang silipin ko ang screen ng aking phone.

Bigla akong kinabahan,kasi hindi naman yan tatawag kung hindi rin lang importante ang sasabihin.

"Hello,Tito?"

'Kamusta kana hijah,naabala ba kita?'

Nakahinga naman ako ng maluwag nang mabungaran ko ang kalmante nyang boses.

"Naku po Tito..hindi naman,okay lang po.."

'Ano kasi Lymara..may sakit si Vander..' direct to the point nyang sabi.

"Po?"Bigla akong nag-panic.

'Nagkulong sya sa kanyang kwarto at hindi pa kumakain mula pa kagabi..natatakot akong iiwan syang mag-isa sa bahay,tapos hindi naman ako pwedeng hindi pumasok ngayon..magkakaroon kasi ng board meeting sa company namin.'Mahaba nitong eksplenasyon.

"Sige po Tito,naiintindihan ko..ako nalang muna ang magbabantay sa kanya habang wala kayo..natatakot din naman ako na baka maisipan nyang magbigti eh.."

Malakas na tawa ang narinig ko mula kay Tito Randy.

Ewan ko ba..mukhang masaya pa sya kahit na nagkasakit na nga ang kanyang anak. Hindi bang pwedeng ipagpaliban muna ang trabaho at iparamdam nya kay Vander ang kalinga ng isang ama kahit ngayong lang?

Kaya naman siguro sobrang lungkot ni Vander na maiiwan sa piling ng kanyang Papa eh.Kung bakit pa kasi naisipan nilang maghiwalay pa ni Tita.

Kung kailan na ang tatanda na nila Vander at Vince ay saka pa nila maisipang mag-separate.Hindi nila naisip na makakaapekto iyon sa kanilang anak.

Haissst...

Kung bigyan sana ako ng pagkakataon na magkaroon ng panghuling wish..

Ang iwi-wish ko ay sana,magkabalikan ang Mama at Papa nila Vince at Vander.Para naman hindi na malulungkot pa si Vander..

Nakakaawa kasi.

*

*

*

Sa mansyon nila Vander...

Pagdating ko dito sa bahay nila Vander ay agad naman umalis si Tito.

Pero bago sya umalis ay naitanong ko muna kung saan nakalagay ang mga gagamitin ko sa pagluluto ng pagkain ni Vander.

Kaya dumiretso na ako sa kusina para magluto.

Spaghetti ang lulutuin ko..kasi naalala ko dati na yan ang paborito ni Vander eh.

Siguro lang naman..kasi hindi naman nya nasagot kaagad yung tanong ko sa kanya dati eh.

Bahala na nga. Huminga ako ng malalim bago naisipan nang magsimula sa pagluluto.

At take note!first time kong magluto ngayon.

Nanalangin muna ako na sana hindi pumalpak ang gagawin ko.

Simple lang naman pala ang pagluluto ng spaghetti. Naisip ko iyon nang subukan kong basahin yung instruction na nakasulat sa plastic bag ng pasta.

Kaya naman ilang minuto ang lumipas ay naging abala na ako sa ginagawang pagluluto kuno.

☆☆☆

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Where stories live. Discover now