Chapter 25

5.3K 180 5
                                    

'Come to our house,mayroon akong surpresa sa'yo.'

Message from Vander.

Excited akong lumabas ng bahay para tunguhin ang mansyon nila Vander.

Ano kaya ang surprise nya para sa akin?

Haissst...

Kinakabahan tuloy ako..

Nakabukas ang gate nang dumating ako kaya malaya akong nakapasok.

Pinarada ko nalang sa labas ng kanilang gate ang aking sasakyan..ganyan naman ako,dati pa..hindi ko pina-park sa may garahe nila yung dala kong pick-up truck.

Natanaw kong nakatayo sa labas ng bahay si Vander.

Nakatalikod sya mula sa direksyon ko kaya hindi nya napansin ang aking paglapit.

Agad kong tinakbo ang kanyang kinatatayuan at walang babala na mahigpit ko syang niyakap mula sa kanyang likuran.

"Vander..nandito na ako.."I whispered.

"No it's not Vander,it's me Vince,Lymara.."

Ha?

Bigla akong napabitaw mula sa pagkakayakap..at agad namang humarap sa akin yung kausap ko.

Si Vince nga!

Kasi mayroon syang nunal sa left eyebrow nya.

"Vince,anong ginagawa mo dito? si Vander nasaan?"Sabay kamot ko sa aking ulo.

Vander na yun..hindi man lang nya sinabi na nandito pala ang kakambal nya.

"Lumabas si Vander at may kukunin lang daw.."

"Ah..ganon ba?"

"Maupo muna tayo Lymara habang inaantay mo ang pagdating ni Vander.."

Itinuro nya sa akin yung bench na nasa tapat namin ngayon kaya maagap naman akong sumunod.

Magkatabi kaming naupo ni Vince.

"I'm here para bisitahin si Papa pati na din yung twin brother ko."

Napatango nalang ako at hindi maiwasan na ilibot ko ang aking paningin sa paligid.

Asan na ba si Vander?

"Kumusta naman ang inyong Mama at si Lolo?"Tanong ko nalang sa kanya.

"Si Lolo,naging maayos naman ang karamdaman nya ngayon..at si Mama,ganoon parin.."

"Ha?bakit sumama ba ang pakiramdam ng Lolo nyo?"

"Yeah!this past days pero okay na sya ngayon.."

Huminga ako ng malalim..

Pambihira!

Ni hindi man lang dinalaw ni Vander ang kanyang Lolo?Pagsabihan ko nga yan mamaya.

"Ah,Lymara?"

"Yes Vince..."

"Magpapakasal na pala kami ni Riana.."

Napatuwid ako ng upo buhat sa narinig.

I'm glad to hear that..

"Talaga?congrats!"Masaya kong sabi.

"Punta ka ha?"

"Oo naman.."Mabilis kong sagot.

"Kayo ni Vander,Lymara..kamusta na yung takbo ng relasyon nyo?"

"Ha?"

Nagulat ako sa biglang pagtanong ni Vince..kasi hindi ko alam kung ano ang dapat kong isasagot.

"Hindi nyo pa ba napag-usapan ang tungkol sa kasal?"

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Where stories live. Discover now