Chapter 18

5K 186 2
                                    

Vander's POV

Konting-konti nalang at maniniwala na sana ako na gusto din ako ni Lymara.

Tinugon nya ang halik ko..pinadama nya sa akin na gusto nya ang ginagawa ko.

Pero sa isang iglap...parang naglaho ang lahat sa simpleng sagot nyang iyon.

Ni hindi man lang sya nagdalawang-isip na sagutin ang tanong ko.

Para akong tanga!

Umaasa lang sa wala!

Kinuha ko ang isang frame na nakapatong sa bedside table  ko at malakas na ibinato iyon sa dingding.

Inis na inis ako sa sarili ko..

Inamin ko na sa kanya ang totoong nararamdaman ko pero si Vince parin ang laman ng isip nya.

Kaya ba feel na feel nyang makipag-halikan sa akin kanina dahil si Vince ang iniisip nyang kahalikan nya?

Argh!

May araw ka din sa akin Lymara..

Kung iniisip nyang susuko ako ay nagkakamali sya.

Hihintayin nalang nya kung ano ang susunod na planong gagawin ko.

Kailangan nyang sisingilin ko sya?

Okay...makikita din nya ang hinahanap nya.

☆☆☆

Lymara's POV

Masasayang tawanan nina Papa at Jayrane ang bumungad sa akin mula sa pintuan.

Nakahinga ako ng maluwang.Naresolba na siguro ni Papa ang kanyang problema.

Dumiretso ako sa kusina at nadatnan kong abalang-abala sa paghahanda ng pagkain sina Mama at Lyrane.

"Ma,Lyrane..iwan nyo na yan at ako na ang gagawa.."

Nagkatinginan yung dalawa dahil sa aking tinuran.

"Pero..Lymara..."Si Mama na parang hindi makapaniwala.

"Sige na Ma,please magpahinga na kayo.."

"Ate,tutulungan na kita.."Nag-insist si Lyrane.

"No!magpahinga kana rin..kaya ko na 'to.."

Tahimik na lumabas mula sa kusina ang dalawa.Nababakas parin sa kanilang mukha ang labis na pagtataka.

Agad ko nang pinagpatuloy ang ginagawa nila Mama kanina.

Inayos ko ang dining room..at pagkatapos ay naghain na ako ng pagkain sa ibabaw ng mesa.

Nakahanda na kasi ang lahat nang madatnan ko sila kanina..paghahain nalang ang kulang.

Pagkatapos ay mabilis ko ng nilinis ang mga kalat sa kusina..ni isa ay wala akong itinirang dumi.

Pero kahit pa siguro buong bahay ang lilinisin ko ng mga oras na 'to ay hindi parin mababawasan ang bigat ng aking dibdib.

Lumabas na ako mula sa kusina at nadatnan kong masayang nagkukulitan ang apat.

Si Papa.

Si Mama.

Si Lyrane.

At si Jayrane.

Sumilay ang simpleng ngiti mula sa aking labi..makikita sila na sa ganoong ayos ay parang hinahaplos yung puso ko.

"Kumain na kayo at nakahanda na yung mesa.." kuha ko sa kanilang atensyon.

"Lymara..."Si Mama at hindi mapakali.

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon