Chapter 20

5.5K 210 3
                                    

Oh my gosh!

Ferrari?

Excited kong hinarap si Vander sabay sabing...

"Vander,ako ang magdi-drive!" Boluntaryo ko.

"No." Maikli nyang sagot.

"Please?"

Lumapit sya sa akin at bahagya nya akong isinandal sa sasakyan.

Shit!

Ano ba itong ginagawa ni Vander?

"Alam mo bang nakakabawas ng pagkalalaki yung mas marunong pa ang babae kaysa sa kanyang boyfriend? "

"Ha?"

Napakurap ako..lalo pa at mas inilapit nya ang kanyang mukha sa akin.

"Lymara,just act like a lady..dahil yun ang mas nababagay sa'yo..and to let you know,you are my lady..now."

Napasinghap ako nang bigla nalang nyang sakupin ang aking mga labi.

Once again..he kissed me on my lips.

Ah,oo nga pala..normal pala sa isang magkasintahan ang pagkakaroon ng kissing scene.

Okay sana...kung hahalikan nya ako dahil sa gusto nya ako..

Hindi yung bahagi lang ng kabayaran sa perang inutang ko sa kanya.

Masakit man isipin..pero yun ang totoo.

Pagkatapos ng ilang minutong paghahalikan namin ay muli ko na naman naramdaman ang kanyang mahigpit na yakap.

"Nakakabaliw ka,Lymara.."

Sinungaling..

O baka naman si Riana ang nakikita nya habang kahalikan nya ako.

*

*

*

Tahimik kong nilingon si Vander habang concentrate sa pagdi-drive.

"Saan ba talaga ang punta natin,Vander?" Hayyy nakailang beses na ba akong nagtanong?

Aist! Kainis!

"Sa probinsya..sa hasyenda ng Lolo ko.."

Probinsya?

Napatuwid ako ng upo..at bigla akong nakaramdam ng excitement..

Eh,kasi naman nag-flash sa aking utak yung pagho-horse back riding..

Exciting yun!

"Talaga,Vander? "

Hindi ko naikubli ang excitement sa aking boses.

"Ganyan ka kasaya para makarating dun? "

"Yeah!"Sagot ko sabay lingon sa kanya..pero bigla akong natigilan.

Eh?

Nakasimangot na naman?

Ano na naman ba ang nagawa ko?

Bawal na din pala ang maging excited ngayon?

Haist!

Next time ayoko na ngang magpahalik sa kanya..

Nagkakaroon kasi ng side effect eh,pagkatapos namin maghalikan.Ang bilis lang magbago ang timpla ng kanyang mood.

Ang problema..hindi rin naman sya nagbibigay ng babala kapag hahalikan nya ako.

Bigla nalang nya kaya akong sinusunggaban ng halik!

Aist!

Hindi ko maintindihan kung ano ang naging takbo ng kanyang utak..

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Where stories live. Discover now