Chapter 5

5.9K 232 6
                                    

Nagising ako na nakadapa sa malambot na kama.Bahagya kong iminulat ang aking mga mata.

Shit!wala ako sa sariling kwarto.

Mabilis akong bumangon at agad na sinilip ang wristwatch na suot ko.

2AM?

Waaaaah!madaling araw na pala..

Vander na'to..ni hindi man lang nya ako ginising....

Tumayo na ako para tunguhin sana ang pintuan ng silid pero hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang lingunin ang mahabang sofa ng silid na yun.

Patihayang nakahiga sa ibabaw ng sofa si Vander.

Lumapit ako sa kama para kunin ang kumot doon.

Haist...nagkakaroon yata ako ng responsibilidad ah!

Marahan kong inayos sa ibabaw ni Vander ang kumot.Mukha kasing nilalamig sya..sabagay ang lakas kasi ng aircon sa silid nya.

Nakayuko pa din ako nang biglang dumapo sa kanyang mukha ang aking paningin.

Bakit ang guapu-guapo talaga ni Vander? Ang hitsura nya yata ang nakakagaw sa aking pansin mula pa kanina, ah!

"R-Riana...."

Napatuwid ako ng tayo nang bigla nyang bigkasin ang pangalan ni Riana.Hindi ko alam kung bakit nagmamaktol ang aking kalooban.

Kahit sa pagtulog,si Riana ang laman ng kanyang panaginip.

Tsk!

"Just learn how to move-on,Vander..."

Wala sa sariling binigkas ko ang katagang iyon bago ako lumabas ng kwarto at tuloy-tuloy na lumabas ng kanyang condo unit.

☆☆☆

Vander's POV

"Just learn how to move-on,Vander..."

Agad kong iminulat ang aking mga mata pero bagsak nalang ng pintuan ang huli kong narinig.

Tumayo ako mula sa sofa at bahagyang sumilip sa glass window ng aking silid.

She's gone!

Lumapit ako sa kama at marahang humiga doon.

Huminga ako ng malalim...para kong naamoy si Lymara....parang nararamdaman ko parin ang init ng kanyang katawan na syang naiwan dito sa ibabaw ng aking kama.

Madaling araw na pero ni isang segundo ay hindi parin ako dinadalaw ng antok.

Wala kasi akong ibang ginawa mula pa kanina kundi ang pagmasdan si Lymara sa kanyang pagtulog.

She's....

She's.....

Damn!she's so special to me pero si Vince ang mahal nya....

Ang katotohanang iyon ang unti-unting pumapatay sa akin.

I'm being so stupid all those years...

Pinapaniwala ko syang si Riana ang mahal ko.

Hindi ba nya naisip na..paano ko magawang mahalin ang babaeng mahal ng kakambal ko?

Napaka-slow talaga nyang mag-isip!

Wala kasi akong maisip na ibang paraan para makalapit sa kanya.

Dahil,ever since ay naiinis na sya sa akin.

Hindi ko alam kung paano sya paamuin...

Ayokong gugustuhin lang nya ako dahil nakikita nya sa akin ang katangian na nagustuhan nya kay Vince.

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Where stories live. Discover now