Chapter 21

5.3K 183 1
                                    

Vander's POV

"Lolo?meet my girlfriend,Lymara! "

Pakilala ko sa kanya kay Lolo matapos akong magmano kay Lolo.

"Kumusta po kayo,Lolo?"Magiliw na bati nya kay Lolo bago ito nagmano.

"Okay lang ako hijah!matagal naba kayong magkakilala ng aking apo, Lymara? "Nagsisimula ng magtanong si Lolo.

Tumingin muna sa akin si Lymara bago sumagot.

"Opo Lolo,simula noong mga bata pa kami.."Nakangiti nyang sagot.

Bahagya akong napangiti. Ewan ko ba ang sarap lang sa pakiramdam sa isipin na magkasabay kaming lumaki.

"Ah,ikaw siguro ang tinutukoy ni Vander na lagi nyang kinikwento sa akin noong bata pa sya.."

Aist!

Si Lolo talaga..bakit kailangan pa nyang banggitin yan?

"Hindi naman po siguro Lolo.." napakagat sa kanyang labi si Lymara habang nag-iisip.

"Natatandaan ko pa ang sabi nya eh..na ipakilala daw nya sa akin ang babaeng iyon pagdating ng tamang panahon..so,wala pa naman naipakilalang babae sa akin si Vander bukod sa'yo.."

"Po? "

Nagbabanta na naman ang kanyang titig habang pasimple nya akong tiningnan.

"Pero ang pangalan na binanggit nya sa akin ay hindi Lymara,Vander,sino nga ba yun?" Bumaling sa akin si Lolo.

Aist!

Si Lolo talaga..pwedeng tumahimik nalang sya?

"Sya po ang tinutukoy ko Lolo.."maagap kong sagot.

"Yung pangalan ang tinatanong ko!"

Napakamot ako sa ulo..grabe talaga ang memory ni Lolo.

"Lymie po.."

"Ah,natatandaan ko na!Lymie nga pala ang pangalan na binanggit sa akin ni Vander."

"Lymie?eh..ibig sabihin hindi naman ako yung tinutukoy ni Vander Lolo..ang layo kaya ng Lymie sa Lymara!" Sabad nya sa sinabi ni Lolo.

Ito na nga ba ang sinasabi ko..kailangan ko na naman ng mahabang eksplenasyon nito mamaya.

"Pero ang sabi nya sa akin..hindi daw kayo nagkakasundo noon kaya...." pagpapatuloy ni Lolo.

"Ah,Lolo?pupunta na po tayo sa living room dahil naghihintay din po doon si Riana..doon nyo na po ituloy ang kwentuhan."Putol ko sa sasabihin pa sana ni Lolo.

Pinandilatan ako ni Lymara pero nginitian ko lang sya.

Siguro kung wala dito si Lolo sa harapan namin ngayon ay baka nasiil ko na naman sya ng halik sa kanyang labi.

Grabe!ang ganda talaga ni Lymara eh..

Kaya parang bawat galaw nya ay gusto kong bantayan sya.Napapansin ko din kasi kanina na laging nakatitig sa kanya si Vince.

Nang maihatid ko sa loob ng living room si Lolo ay iniwan ko nalang muna sila.

Katabi ni Lolo si Lymara at kaharap naman nila si Riana.

Wala si Vince..baka nasa labas lang ng bahay.

Tumuloy ako sa kusina para kausapin si Mama.

Nagbibigay kasi sya ng instruction sa mga katulong kung ano ang dapat lulutuin.

"Ma,pakisabi sa tagaluto na hwag nilang lagyan ng bawang yung mga putahe na lulutuin nila.."kuha ko sa atensyon ni Mama.

"Ha?bakit? "Kunot- noong tanong ni Mama.

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Where stories live. Discover now