Chapter 12

5.2K 189 1
                                    

Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin ng aking kwarto habang ini-examine ang aking sarili.

Haissst...

Bakit kailangan ko pang gawin 'to?

Gusto kong magmukhang pormal sa suot ko.

Nakasuot ako ng long sleeve blouse na tinupi ko pa hanggang siko ang manggas.

Gusto ko sanang magsuot ng slack pero hindi kasi ako komportable eh.Kaya naisipan ko nalang magsuot ng jeans.

Bahala na nga..

Haissst!

Bakit ko ba binibigyan ng malaking issue itong pagsama ko kay Vander sa company ng Papa nya?

Nagmamadali nalang akong lumabas ng bahay at hindi na inisip kung ano ang hitsura ko sa naging suot ko.

Pagbukas ko ng gate ay nakaparada na doon ang kotse ni Vander.

Nakangiti syang bumaba mula sa driver's seat para umikot sa kabila at saka pinagbuksan ako ng pintuan.

Ngumiti din ako sa kanya sabay sabing...

"Thanks.."

Haissst...

Mas maigi kung ako nalang sana ang magdi-drive.

Kating-kati na nga ang dila ko para magsalita sana eh.

Langya!

Umaatake na naman ang car racing sa utak ko.

"Vander,bakit kailangan mo pa kasi akong isama?"

Tanong ko nang simulan na ni Vander na patakbuhin ang sasakyan.

"Gusto ko lang..mas komportable kasi kapag nandyan ka.."

Geee..

Grabe yun ha?

Ano na naman kaya ang papel ko dito?

Pampakalma?

Napailing nalang ako.

"Ang hina mo palang mag-drive,ano?"

Komento ko..kasi naman mas mabilis pa yata umusog yung pagong eh,kumpara sa pagpapatakbo ni Vander ngayon.

"Hwag mo nga akong igaya sa'yo...sobrang gasgas kung mag-drive.."

Nilingon ko sya..pero nakatutok lang sa dinadaanan namin ang kanyang paningin

"Parang di babae..."Dagdag pa nyang sabi na ikabilog naman ng aking mata.

Diba mas tama pang sabihin na parang hindi sya lalaki?Ang kupad kasi ng pagpapatakbo...haissst.

Kung ako lang siguro ang nakaupo dyan sa pwesto nya marahil kanina ko pa pinaharurot ng takbo.

Huminga ako ng malalim.

Nakakaantok...ang sarap tuloy matulog.Bahagya akong humikab.

"Inaantok ka na?ang aga-aga..." napansin nya pala ang paghikab ko.

"Oo,eh...hindi kasi ako nakatulog ng mahimbing kagabi.."

Nasira na yata ang utak ko sa kaiisip sa'yo.

"Why?"Kunot noo nyang tanong.

"Ewan,may naalala lang ako...hwag ka na ngang magtanong,mag-drive ka lang baka mabangga pa tayo."

"I won't let it happen..."

Geeee...

Yabang! Ang sabihin nya ay takot lang syang magasgasan itong branded car nya!

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Where stories live. Discover now