Chapter 23

5.2K 201 1
                                    

Isang linggo ang lumipas..

Last check!

Perfect!

Nasa loob ako ng aking kwarto ngayon at para akong timang na paikot-ikot dito sa harapan ng salamin.

Aba syempre...

Tumawag kasi si Vander at sinabi nya na magkakaroon daw kami ng official first date ngayong araw.

Kaya heto ako ngayon..well prepared!

Napasimangot ako nang makalabas mula sa gate ng bahay namin.

Diba dapat susunduin nya ako dito?

Haist..

Bumalik na naman ako sa loob ng bahay para kunin yung key ng pick-up truck ni Papa.

Walang choice eh..pupuntahan ko nalang sya doon sa condo unit nya.

Baka kasi nasanay na sya sa daily routine ko na hindi nagpapasundo sa kanya.

Mga ilang metro nalang siguro ay marating ko na ang condo unit ni Vander..actually,natatanaw ko na nga yung gate eh nang biglang tumunog yung message tone ng cell phone ko.

Message from Vander..

'Cenxa na..cancelled ang plan natin today, itutuloy nalang natin tomorrow..kasi,nagkaroon ako ng importanteng gagawin ngayon.'

Huminga ako ng malalim..sayang yung efforts ko sa pag-aayos ng sarili kanina..nawalan na naman ng silbi.

Minsan ko pang tinapunan ng tingin ang gate ng condo unit nya bago sana ako aalis kaya lang natigilan ako.

Natanaw ko kasi mula dito ang paglabas ng dalawang kotse mula sa loob.

Kanino pa nga ba?

Kotse nina Vander at Riana.

So,yan pala ang importanteng gagawin nya ngayong araw!

Mabigat ang aking kalooban na nilisan ang lugar na yon.Bumalik na naman ako sa bahay.

Blangko parin ang aking isip habang nakatitig sa kisame.Nakahiga na ako ngayon sa aking kama.

Bakit lagi silang magkasama ni Riana?

Mga tanong na hindi ko nahahanapan ng sagot.

Bumalikwas ako ng bangon at saka bumaba sa sala.Inikot ko ang aking paningin sa loob ng aming bahay.

Ang sarap yata linisin ah!

Kumuha ako ng basahan at nagsimulang magpunas.

Halos lahat ng corner ng bahay namin ay wala akong pinalampas.

Hindi ko narin namalayan ang paglipas ng mga oras.

Buong araw akong naglinis..hanggang sa nadatnan nalang ako ni Mama na panay parin ang kuskos.

Ewan ko..para kasing hindi man lang ako nakakaramdam ng pagod.

"Lymara,okay ka lang ba?"Si Mama habang nakakunot ang noo.

"I'm okay,Ma...sa kusina lang ako at maghahanda ng lulutuin.."

Tumuloy ako sa kusina para maiwasan ang pang-uusisa ni Mama.

Inalala ko yung huling niluto namin ni Vander.

Tinolang manok..

Oo,alam ko ng lutuin yun..

Naglabas ako ng manok at ibinabad ko sa tubig.

Tapos naghiwa na ako ng sibuyas pati patatas..

At ihinanda ko narin lahat ang dapat kong kakailanganin sa pagluluto.

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Where stories live. Discover now