Chapter 26

5.5K 176 6
                                    

Lymara's POV

Wedding day...

Ayoko sanang dumalo sa kasal nina Vince at Riana kaya lang nakakahiya naman kay Vince.

Nangako ako sa kanya na pupunta sa kanyang kasal tapos bibiguin ko lang ba ang pangakong iyon?

Kaya heto ako ngayon sakay na ng taxi para magpahatid sa pinagdausan ng kasal.

Hindi ko kasi magagamit yung pick-up truck ni Papa dahil gagamitin ni Jayrane.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob ng simbahan.

Parang may magic yung mga mata ko kasi pagpasok ko palang ay dumiretso ang aking paningin sa kinapu-pwestuhan ni Vander.

Napansin kong nagulat din sya nang magkasalubong ang aming mga titig.

Ganoon parin ang ekspresyon sa kanyang mukha.Walang kaemo-emosyon.

Ibinaling ko sa ibang direksyon ang aking paningin..iniiwasan kong matuon sa kanya ang aking atensyon.

Kasi..heto na naman itong abnormal na feelings na 'to...

Titig palang nya ay para na akong nanlalambot dito.Wala parin pinagbago ang lakas ng presensya nya sa akin.

Pumwesto ako ng upo sa pinakahuling hanay ng upuan.Yung saktong hindi nya ako maaabot ng tanaw.

Pero takte!

Nararamdaman ko parin ang mga titig ni Vander sa akin.

Sa totoo lang..miss na miss ko na sya.

Sa mga panahon na hindi kami nagkikita pagkatapos ng araw na iyon ay walang oras na hindi ako umiiyak.

Grabe,may mga araw din na nagagawi ako sa condo unit nya pero mas lalong sumisikip ang dibdib ko.

Naaalala ko kasi ang mga masasayang araw na kasama ko sya sa loob ng kanyang condo unit.Para akong pinapatay ng mga alaala na yun.

May mga araw din na gustong-gusto ko syang tawagan para marinig ko man lang ang kanyang boses..

Pero..nauuwi lang sa sahig ang nagagawa ko sa cell phone ko.Ibinabalibag ko kahit saan ang hawak kong cell phone.

Naiinis ako..parang sariwa pa din kasi sa aking utak ang huling kataga na lumabas mula sa bibig ni Vander noong huling pagkikita namin.

Sa dami kong iniisip ay hindi ko na din napansin na nagsisimula na pala ang seremonya ng kasal.

Narinig ko nalang na nagtatanong na ang pari kung may tututol ba sa kasal?

Marahas akong tumayo..at sakto din ang pagbaling ng mga tingin ni Vander sa akin.

Tumayo ako hindi para pigilan ang kasal kundi para humakbang palabas ng simbahan.

Mabibilis ang ginawa kong paghakbang nang....

"Lymara!"

Huminto ako at marahang hinarap si Vander.

"Ano?"

"Bakit hindi mo itinigil ang kasal?"

Nagpupuyos na naman sa galit ang dibdib ko.

"Itigil ang kasal?para ano?para magiging kayo ni Riana?ikaw naman ang may gustong ipatigil ang kasal diba?dahil sa pansarili mong interest!kaya hwag mo akong idamay dito..dahil may konsensya pa naman ako para hindi sirain ang kaligayahan ng iba!"

"Pero tinanggap mo ang pera Lymara,ibig sabihin nun ay gusto mo talagang pigilan yung kasal.."

Agad kong binuksan yung purse na dala ko at inilabas mula doon ang tseke.Pagkahawak ko sa tseke ay agad kong binalibag sa harapan ni Vander.

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon