Chapter 15

5.2K 195 3
                                    

Excited kong minulat ang aking mga mata kinabukasan.

Pero napawi ang excitement na yun nang tapunan ko ng tingin ang mahabang sofa na kinahihigaan ni Vander kagabi.

Blangko na yun..at ang natitira ay yung kumot na pinatong ko sa katawan nya kagabi.

Huminga ako ng malalim.Bakit bigla akong nalungkot?

Umahon ako mula sa kama at naupo sa mahabang sofa.Kinuha ko ang kumot at wala sa sariling niyakap iyon.

Baliw na nga siguro ako..hindi ko na kasi naiintindihan ang takbo ng isip ko.

Napapikit ako..

I miss him...

Bigla akong dumilat at tinakbo ang banyo para mag-quick shower.

Puntahan ko sya sa condo unit nya..alam kong doon sya laging nagtatambay.

Hihingi ako ng sorry sa inasal ko kagabi.

Alam kong pagkakamali ko iyon kaya kailangan na magkabati na kami.

Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ay dumiretso ako sa kusina.

Naghanap ako ng pwedeng makain.

Kumuha ako ng isang mangkok at agad na nilagyan ng corn flakes tapos binuhusan ko ng fresh milk.

Okay na sa akin iyan para sa breakfast ko.

At ilang sandali lamang ang lumipas ay sakay na ako ng pick-up truck ni Papa.

Binabaybay ang daan patungo sa condo unit ni Vander.

Malapit na akong pumarada sa tapat ng condo unit nya nang bigla akong matigilan.Natanaw ko kasi ang papalabas na kotse ni Riana mula sa loob.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng sundot ng karayom sa aking dibdib.

Mas malala pa yata ang sakit na nararamdaman ko ngayon kaysa nakikita ko sila ni Vince na laging magkasama noon.

Anong ginagawa ni Riana sa condo unit ni Vander?

Paano naman si Vince?

Imbes na ihimpil ko ang sasakyan ay naisipan ko nalang lampasan ang condo unit nya.

Ano pa ang dahilan para dumiretso ako sa loob?

Nagngingitngit ang aking kalooban.

Bakit nga ba hindi?Si Riana ang babaeng kinababaliwan nya.

Saka ko ihininto ang aking sasakyan nang tumapat ako sa park na malapit sa mansyon nila Vander.

Nandito na naman ako ngayon..tahimik na nakaupo sa swing.

Ilang minuto din ako sa ganoong ayos nang biglang tumunog ang aking cell phone.

Nainis tuloy ako nang makita sa screen ng cell phone  ko ang kanyang pangalan.

Ayokong sagutin ang tawag nya..naiisip ko lang na magkasama sila ni Riana sa loob ng condo unit nya ay para na akong pinapatay.

Nakailang ulit pa ang ginawa nitong pagtawag habang hinahayaan ko lang ang pagtunog ng aking cell phone.

Nang mainis ako ay binato ko nalang ang aking cell phone..mabuti nalang at sa damuhan ito tumilapon kaya hindi ito nabasag.

"Ganyan kalaki ang galit mo sa akin kaya pati cell phone mo ay magawa mong itapon dahil ako ang tumatawag?"

Bigla akong kinilabutan nang marinig ang boses nya mula sa likuran ko.

May pakpak kaya itong si Vander kaya agad na makakarating kung saan man nya gustong magpunta?

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Where stories live. Discover now