Chapter 17

4.9K 186 2
                                    

Mahigit isang oras na din siguro ang tagal ko dito sa loob ng banyo ngayon.Ito na yata ang pinakamatagal na ginawa kong pagligo sa buong buhay ko.

Nilinis ko na ang lahat ng pwedeng linisin sa katawan ko.

Hindi ko alam..sa kabila ng lakas ng kaba na nagmumula sa aking dibdib ay nakaukit parin sa aking utak na iniiwasan kong ma-disappoint si Vander sa gagawin nyang pagpipinta mamaya.

Gusto kong maging presentable sa kanyang paningin.Ayokong masabihan na nasayang lang ang kalahating milyon na pinahiram nya.

At lumipas pa ang maraming sandali ay nandito na nga ako sa loob ng condo unit ni Vander.

Dumiretso ako sa loob ng CR para magsuot ng robe.

Marahan kong binuksan ang pintuan ng CR bago humakbang palabas.

Huminga muna ako ng malalim.

Tinungo ko ang upuan na kung saan doon ako pu-pwesto para sa gawing pagpipinta ni Vander.

Sinalubong ko ang mga titig ni Vander.Hindi ko mababasa ang ekspresyon mula sa kanyang mata.

Seryoso ang kanyang mukha..mula pa kanina ay ni hindi ko sya narinig na nagsalita.

Nakaupo sya kaharap ang canvas na gagamitin nya para sa pagpipinta.

Mahigpit nyang hawak sa kanang kamay ang brushed na pangpinta.

"I'm ready..."Basag ko sa katahimikan.

Hindi sya sumagot..basta mariin lang syang nakatitig sa akin.

Yung titig na parang nakakapaso na syang dahilan para manginig ang tuhod ko ngayon.

Dagdag pa sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

Dahan-dahan ko ng ibinaba ang suot kong robe.Napapikit ako habang ginagawa ko iyon.

Ngayon litaw na ang magkabila kong balikat.Napasinghap ako habang hinihila ko pang pababa ang suot kong robe.

Litaw na ang aking dibdib...at konting-konti nalang ay nakasingaw na ang aking cleavage.Bale,kalahating dibdib ko na ang nakalitaw ngayon.

Nang bigla akong matigilan..

"Damn! "

Napadilat ako nang marinig ang biglang pagmura ni Vander.

Marahas syang tumayo at malakas na ibinato ang hawak na brush.Tumama iyon sa dingding bago nahulog sa sahig.

"V-Vander..." nataranta ako sa kanyang ikinilos.

"Magbihis kana Lymara!"

Kasunod nun ang malakas na bagsak ng pintuan.Lumabas na mula sa painting room si Vander at naiwan akong natitigilan parin.

Anong nangyari?

Hindi kaya ako presentable sa kanyang paningin?

Hindi kaya katulad ko ang hinahanap nyang nababagay na babae na pwede nyang ipinta?

Sa dinami-daming palaisipan na iyon na biglang nag-flash sa aking utak ang syang dahilan para sumungaw ang maraming luha mula sa aking mata.

I've cried..

Binale-wala nya ako..

Nasaktan ako sa katotohanan na hindi pala ako karapat-dapat.

Naghintay pa ako ng ilang minuto..baka sakaling muling papasok doon si Vander at sasabihin na itutuloy na nya ang pagpipinta.

Pero ilang minuto na ang lumipas..hindi na bumalik sa loob si Vander.

Wala akong nagawa kundi ang magbihis nalang.Pagkatapos dahan-dahan akong lumabas mula sa painting room.

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Where stories live. Discover now