Chapter 11

5.2K 184 3
                                    

Hindi ko maiwasan na hindi mapalingon sa pintuan ng painting room ni Vander nang mapadaan kami doon para tunguhin ang kusina.

Bigla kong naalala yung sinabi nya sa akin nang gabing iyon.

Hayy!kahibangan..

Bigla nalang akong napailing..kung ano na naman itong kabaliwan na pumapasok sa isipan ko.

"Come here..."

Hinila ako ni Vander papalapit sa kanya.Tapos pinasuotan nya ako ng apron.

"Bakit kailangan kong magsuot nito Vander?" Tanong ko habang nakatingin sa may apron.

"I will teach you how to cook..."Kinindatan pa nya ako bago binuksan ang ref.

"Anong lulutuin natin?"napakagat ako sa aking labi.

"Adobong manok..."simple namang sagot ni Vander.

"Yes!alam ko yan!!"Excited kong sabi..

"Really?"Nilingon nya ako tapos ngumiti.

"Alam kong kainin..hahaha."

"Stupid..."Sabi nya pero nakangisi naman.

Inilabas nya ang dalawang cutting board at inilapag iyon sa mesa.

Yung isa ay para sa akin. At yung isa naman ay para sa kanya.

"Tuturuan kita kung paano ang tamang paghihiwa ng sibuyas.." panimula nya.

"Paano yung manok?" Hindi ko alam kung bakit napunta sa manok ang isip ko.

"Binabad ko muna sa tubig para lalambot."

Ah, okay... ganon pala yun. Nakuha ng kumukinang na kutsilyo ang aking atensyon kaya excited kong hinawakan iyon.

"Hwag mong paglaruan yan baka masugatan ka.."

Ang tinutukoy nya ay yung kutsilyo na hawak ko ngayon. Tss... hinahawakan pa nga lang, masugatan na agad?

"Hindi naman ah!pero Vander bakit kailangan ko pang gawin 'to?hindi rin naman ako pinagluluto ni Mama sa bahay eh.."nakataas pa ang aking kilay habang nagsasalita.

"You need to...dahil ang gusto ko ikaw ang magluto ng pagkain ng mga anak ko..balang araw."

Napakurap ako bago inisa-isa sa isip yung huli nyang sinabi. Hindi kasi na-absorb kaagad ng utak ko, eh!

"Ano!?" There! Natauhan din ako.

Akalain nyo yun?Pinag-iisipan na nya pala akong gawing maid ng mga anak nya?

Argh!

Tingin ba talaga nya sa akin ay pulubi?

"What?magsimula na tayo..."binalewala nya ang sinabi ko. Kutusan ko 'to eh!

Heto na naman ako..natulala na naman habang tinitingnan ko kung paano sya maghiwa ng sibuyas.

Woah!

Ang bilis nun ah!kaya ko kayang gawin?

Sinubukan ko ding balatan ang hawak kong sibuyas habang sinusuri kung paano ang technique ng ginagawa ni Vander. Kala nya ah hindi ko makuha 'to? Pero——

Waaaah!ang hapdi sa mata.huhu.

Pinanood ko muna sya bago ko sinubukan ang paghiwa sa sibuyas na nakalapag sa cutting board na kaharap ko.

Ang hirap..grabe! Lalo na at naluluha ako sa sobrang hapdi sa aking mata sanhi ng sibuyas.

"Ayyyy!!"hiyaw ko.

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Where stories live. Discover now