Chapter 9

5.5K 204 2
                                    

Vander's POV

Nabitin ang paghakbang kong papasok sana sa loob ng aking kwarto.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin..aatras ba ako o tutuloy sa loob ng silid?

Bago pa ako nakapag-decide para sana tumalikod ay napansin na ako ni Lymara.

"Vander..tapos naba ang damit ko?"

The bad thing..tumayo pa sya,kaya sobrang naaaninag ang kanyang katawan mula sa suot na puting t-shirt.

Hindi man lang nya naisip na nakakaapekto na sa akin ang bawat galaw nya dahil sa ganoong ayos.

Shit!

Huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili.

"Hoy,kinakausap kita!" Singhal nya nang hindi ako makaimik.

"Hindi pa..nasa loob pa ng machine.."

Pasimple akong pumasok sa loob at bahagyang umiwas ng tingin.

My gosh!

Lymara is very beautiful and sexy..

"Bakit yan ang sinuot mo?" Kinalma ko ang aking sarili.

"Ito lang naman kasi ang nakita kong damit doon sa CR..Alangan  naman na lalabas ako na nakahubad."Wala sa loob nyang sabi.

"What i mean is...marami namang damit na hindi pa nasuot dyan sa loob ng closet ko...yan pa sinuot mo na hindi pa nalabahan." Yun ba talaga ang dahilan? O, ang ibig kong sabihin ay yung ibang kulay nalang sana ang isinuot nya?

"Yaan mo na at mabango naman."

Saglit akong napangiti..wala talaga. Hindi ba nya nakikita na lalaki ako? Kainis!

Binuksan ko ang aking kabinet para maghanap ng mas matinong damit na ipapasuot sa kanya..

"Magpalit ka ng damit,Lymara.."

"Hwag na..sandali lang naman at matutuyo na yung damit ko diba?"

Napabuga ako ng hangin.

"Lymara,bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Hindi na nga nya alam kung paano ako nagtitimpi dito sa harapan nya?

"Bakit Vander,malambot ba ang ulo mo?"

Hindi ko napaghandaan ang bigla nyang paglapit sa akin..at pilit na inabot yung ulo ko at saka hinawakan ng magkabila nyang kamay.

Dahil sa matangkad ako ay hindi ko naiwasan na mapayuko at dumiretso ang aking paningin sa kanyang dibdib.

Ang lapit namin sa isat-isa.Gusto ko syang hapitin sa kanyang baywang at siilin ng halik sa kanyang labi.

Pero nagtatalo parin ang matino kong pag-iisip.Natatakot ako na baka mas lalong lumayo ang kanyang kalooban sa akin..kapag ginawa ko yun.

"Lymara,stay away..please,baka pagsisihan mo 'tong ginawa mo..i swear!"banta ko sa kanya.

"Ha?"

Bigla syang napabitaw at agad na tiningnan ang kanyang harapan..tapos lumipat sa akin ang kanyang paningin.

"Ahhhhhh!!!!"

Halos mabingi ako sa lakas ng kanyang pagtili.

"What?"

"Umiiral na naman ang kabastusan mo!ahhhhh!!!"

Napabuga ako ng hangin.

"Kabastusan?bakit ako ba ang lumapit ha?ako ba?ako ba?"

"Kasalanan mo..dapat pumikit ka!pero bakit nakatitig ka sa dibdib ko?huhuhu..."

"Stop it,Lymara..wala akong nakita.."

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Where stories live. Discover now