EPILOGUE

10K 322 34
                                    

Vander's POV

Dumating na din ang araw na pinakahihintay ko..

Ang araw na kung kailan ikakasal na kami ni Lymara.

Nauna na ako sa simbahan kasama ang aking pamilya.

Si Papa.

Si Mama.

Si Lolo.

Si Vince.

At si Riana..na ngayon ay naging myembro na rin ng aming pamilya.

Masaya ako dahil muling nabuo ang aming pamilya.

Nagkabalikan sina Mama at Papa.

Dahil isa iyon sa hiniling ni Lymara sa akin.

Ayaw daw nyang magpakasal sa akin kapag hindi magkabalikan sina Mama at Papa.

Lumuwas ako ng probinsya na kasama si Lymara.

Nagpaalam ako kay Papa na hindi na ako babalik sa piling nya.

Mga plano yan ni Lymara..yan daw ang sasabihin ko kay Papa.

Sinabi ko din kay Papa na kung mahal nya kami ay sundan nya kami sa probinsya.

Nawalan na ako ng pag-asa dahil isang buwan na akong namamalagi sa probinsya ay hindi parin naisipan ni Papa na sumunod sa amin.

Hanggang isang umaga..nagulat nalang kaming lahat dahil dumating si Papa at dala-dala ang mga gamit nya.

"Mananatili na ako sa piling ng inyong Mama basta kayong dalawa..Vince at Vander,pamahalaan nyong mabuti ang iniingatan kong company."

Takte!

Nagkaroon tuloy ako ng obligasyon.

Kaya kami ni Vince ngayon ang nagpapatakbo sa kompanya ni Papa.

Sumilay ang ngiti sa aking labi nang matanaw ko ang pagpasok ng pamilya ng mapapangasawa ko.

Nakaguhit sa kanilang mga labi ang walang humpay na ngiti.

Lumapit ako sa kanila at nakipag-beso.

Maalab din naman silang binati nila Mama at Papa..kasama na ding nakibati sina Vince at Riana at pati si Lolo.

"Tita,si Lymara kasama nyo rin ba?"

Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi magtanong.

Ewan ko ba..kinakabahan pa din ako kahit na alam ko na mahal naman ako ni Lymara.

"Naku Vander,hindi na namin naabutan sa kanyang kwarto kanina..baka maagang nagising at kaagad na pumunta sa salon..alam mo naman kapag bride,dapat maayos lahat yan."

"Pero Tita,sana sinamahan nyo.."

Hindi naman sa wala akong tiwala kay Lymara,pero minsan kasi kailangan talaga nya ng instructor.

"Naku Vander..hwag ka ngang maging tensyonado dyan,may isang oras pa naman ah!"Sabad ni Mama.

Tumahimik nalang ako para hindi na hahaba yung usapan.

Hanggang sa lumipas na ang maraming minuto..pero wala parin si Lymara.

Bumalot na sa aming mukha ang sobrang pag-aalala.

"Mas mabuti pa tawagan mo nalang si Lymara,Vander.."Utos ni Papa sa akin.

"Pa,kanina ko pa sya tinatawagan pero hindi nya sinasagot."

Hindi naman ako tanga para kailangan pa nilang idikta sa akin kung ano ang dapat kong gagawin.

"Try mo ulit bro.."Segundo ni Vince.

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon