Chapter 24

5.3K 207 2
                                    

Lymara's POV

Haissst...

Nakaka-miss talaga si Vander.

Heto na naman ako...sakay ng pick-up truck ni Papa at binabaybay ang daan patungong condo unit ni Vander.

Ganito kaya ang umiibig?

Hindi ka napapakali kapag hindi mo sya nakikita..

Nagtatalo pa ang aking isipan kung tutuloy ba ako o hindi.

Pero,mas pinili kong lampasan nalang ang kanyang condo unit.

Nag-aalangan kasi ako..

Andaming pumapasok na palaisipan sa aking utak.

Paano kung kasama nya si Riana ngayon?

Paano kung hindi nya nagustuhan ang bigla ko nalang pagsulpot sa bahay nya?

Tama!

Tama itong ginawa ko..

Hindi ako pwedeng maging desperada.

Tumuloy ako dito sa park..dito naman talaga ang lagi kong tambayan.

Naupo na naman ako sa paborito kong swing.

Mga ilang sandali din siguro ang lumipas na nasa ganoon akong ayos.

Nagulantang ako nang biglang tumunog ang message tone ng cell phone  ko.

May text si Vander.

'Nasaan ka Lymara?'

I'll text back.

'Home..'

"Dito ba ang bahay mo,Lymara?"

Napabalikwas ako ng tayo..at biglang lumingon sa pinanggalingan ng tinig.

Oh my gosh!

How i miss this man!!

Kampante lang syang nakatayo habang mariing nakatitig sa akin.

Hindi ko maiwasan ang biglang pagsikdo ng aking dibdib.

"Tinatanong kita,Lymara!"

Hindi ako sumagot bagamat humakbang ako papalapit sa kanya.

"Kailan ka pa natutong magsinungaling,huh?"

Hindi parin ako nagsasalita.

Nang tumapat ako sa harapan nya..ay bigla kong hinuli ang kanyang mga tingin.

Nakipagtitigan ako sa kanya.

I miss him..

I miss him so much...

Bago pa sya muling makapagsalita ay inunahan ko ng inabot ang kanyang mukha.

Then,ginawaran ko sya ng halik sa kanyang labi.

Alam kong nagulat sya pero naramdaman ko nalang na biglang gumalaw ang kanyang mga labi.

Tinutugon nya ang aking halik..mga ilang minuto din siguro na nasa ganoon kaming ayos.

Magkahinang ang mga labi.

Parang naramdaman ko na gumalaw sya..siguro gusto nya akong yakapin..o di kaya baka hahapitin nya ako sa aking baywang.

Pero bago pa nya nagawa yun..ay bigla ko ng itinigil ang paghalik ko sa kanya.

I stepped backward...

Then,mabilis kong tinakbo ang kinapaparadahan ng aking sasakyan.

"Lymara,come back here!!"

Narinig ko pa syang nagsalita pero mabilis na akong sumakay sa loob ng sasakyan at walang babalang pinaharurot iyon ng takbo.

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Where stories live. Discover now